Ang bilis nang panahon hindi ko akalain mag 3 months na pala kami carly
Well hindi ko rin namalayan sa sobrang sarap nang pinaparamdam nya sakin
I mean yong sobrang pagkagusto nya sakin na ngayon nararamdaman ko na mahal nya na talaga ako
Ako masasabi ko sa ikli nang panahon nakasama ko si carly
Masasabi kong napamahal narin sya sakin
Sobrang sweet nya kasi at maalaga
Laging syang nag-aadjust ng oras para sakin
Nakilala na rin nya parents ko nung malapit na kami mag-one month pumunta na din sya ng bahay
Ako hindi ko pa nakikilala parents nya nasa ibang bansa daw kasi
Pero ok lang naman yon sakin
Hindi parin kami nagcecelebrate ng monthsary namin sabi nya kasi sa 3 months daw nag-uumpisa ang lahat ng strungles ng relasyon
Dun daw mag-uumpisa ang tampuhan at marami pang problema na kailangan naming pagdaanan
Kaya dun daw kami mag-sstart magcelebrate ng monthsary namin
About naman kay jema tinupad ko nga na pansamantala muna akong lumayo sakanya
Lagi kong syang iniiwasan kahit minsan tumatawag sya sakin
Alam ko may problema sya pero nagkikibit balikat lang ako
Kinakaya kong tikisin sya para kay carly
Para hindi ako maging unfair sakanya
Para narin sa sarili ko
Para narin kalimutan ko na ang lahat nang nararamdaman ko sakanya
Mukhang successful naman dahil napamahal ako agad kay carly
At handa na kong balikan sya kasi tanggap ko na
Tanggap ko na
Kaibigan nya lang ako
At ganun nalang din ang tingin ko sakanya
Nangiti ako nang makita ko silang dalawa ni ponggay sa canteen
Himala magkasama ang dalawang ito
"What's up madlang pipol" natatawa kong bati sakanila
"Iba na talaga kapag luma'lovelife nagiging buang na" nakataas pa kilay ni ponggay
"So matagal ka na palang buang dahil matagal ka ng may lovelife" tumabi ako sakanya nasa harap namin si jema
"Hindi ako buang no? Wag mo ko itulad sayo na nag-umpisa sa pagiging tanga tapos ngayon may panakip butas na kaya nasira na ang ulo" sinamaan ko sya ng tingin
Nasa harap kaya namin si jema mamaya kung ano isipin nya
"Ewan ko sayo pongs panira ka talaga ng araw" sabay irap sakanya
"Kumusta?" Baling ko kay jema
"Ok naman" ngumiti sya sakin ng tipid
Parang ang laki ng pinayat nya ngayon, kulang 3 months palang kaming hindi nakikita pero parang ang laki ng pagbabago sakanya
"Mag-oorder muna ako ,ano sainyo?" Mukhang nakahalata naman si pongs, yan gusto ko sakanya eh!
"Alam mo na yong sakin" sabi ko nag-abot ng 100
"Katulad nalang din ng kay deanna sakin" nag-abot din ng 100 si jema
"Wait lang po mga ma'am ah?" Sabi ni pongs na nag-act pa na parang waitrese
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim