"Good morning my kwek-kwek buddy!" At niyakap ko ang babaeng katabi ko sa kama.
Naka-pikit ako kaya di ako sure kung si Carly nga to, saka nakabalik na ba ako sa Canada?
"Fishball ang gusto ko!" Nilayo ko ang sarili ko sakanya.
Mabagal kong minulat ang aking mga mata para makita ang may ari ng pamilyar na boses na yon.
Masakit na tingin ang pinukol nya sakin.
"Jema?" Takang tanong ko.
"Are you expecting someone?" Taas kilay na sagot nya sakin.
Umupo ako sa pagkakahiga sa kama, tinignan ko sya.
Teka bakit kami magkatabi? Diba sabi nya nagkabalikan na sila ni JV? Bakit nandito sya sakin?
Aaaaaarrrrrr wala akong maalala, basta huli ko lang natatandaan, pagkatapos ng madrama naming eksena kagabi, inaya nya kong bumalik sa bar.
Natatandaan ko na wala narin si JV nun, pero hindi ko sila tinanong tungkol dun dahil binuhos ko ang sarili ko sa pag-inom ng alak. At ayon na ang huling natatandaan ko.
"Hindi ka na sumagot dyan!" Untag nya sakin "Hayssssss maliligo na nga lang ako!" Tapos tumayo na sya.
Tingin ko wala namang nangyari saming dalawa dahil parehas naman kaming nakadamit.
Tumayo narin ako at sumunod sakanya sa banyo, nagtootbrush at naghilamos nalang ako, nakahiwalay naman yong shower kaya hindi ko sya maiistorbo.
Naligo sya sa room ko? So wala syang dalang damit? Bahala sya dyan.
Lumabas ako para hanapin ang barkada namin pero nalibot ko na ang buong resort at hotel wala akong nakita kahit anino nila.
"Ahm miss pwede ipacheck kung nagcheck out na si Mr. and Mrs. Paras at ang mga bisita nya?" Tanong ko sa front desk.
"Ahh yes po, kanina pa po sila nag-check out, bali kayo nalang po ni Miss. Galanza ang natira!"
"What? Umalis na sila? Iniwan nila kami?" Hindi makapaniwalang saad ko.
"Yes po Ma'am!"
"Ok thank you!" Kamot ulo akong lumayo sa hotel.
Ano na naman kayang kalokohan tong ginawa ni Ponggay? Tapos hindi ko pa macontact
Ang alam ko lilipat sila sa honeymoon nila sa kabilang Isla at dederetso pa-Paris pero bakit kami lang naiwan dito? Nasaan yong iba?
"Bakit mo naman ako iniwan sa kwarto mo? Hindi ko tuloy alam susuotin ko!"
"Bakit kasi sa kwarto ko ikaw natulog? At saka nasaan yong iba?"
"Sa unang tanong mo! Lasing na lasing ka! Kaya hinatid kita sa room mo! Ayaw mo kong bitawan kaya wala na kong choice kundi matulog sa tabi mo!"
"Sa 2nd question mo! Hanggang ngayong araw lang kasi talaga ang reservation nila sa resort&hotel na ito!"
"Bakit tayo naiwan?" Takang tanong ko.
"Inextend ko yung satin!"
"Huh? Bakit?"
"Ang dami mong tanong! 2 years kang nawala! Gusto ko lang mag-spend ng time with you!"
Huminga ako ng malalim "Nasaan si JV? Baka magalit yon!"
"Bakit ba hanap ka ng hanap ng mga taong wala dito?" Napalunok ako sa pagtaas ng boses nya.
"Bat ka nagagalit?"
"Hayyyyy Deanna nakakainis ka talaga!" Luh? Ano na naman ginawa ko?
"Pwede ba sating dalawa ka magfucos? Wala kang ibang hahanapin at wala kang ibang tatanungin!"
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim