"Lets go?" Napanganga ako kay carly paglabas nya ng kwarto
Napakaganda nya sa red gown nya litaw na litaw ang kaputian nya at kaseksihan sobrang hapit din kasi nito
"Parang ayoko nang pumunta ng party at magkulong nalang tayo sa condo mo" hinapit ko sya sa bewang nya
"Kahit gustuhin ko rin hindi pwede, hinihintay ako nila daddy dun" kinawit naman nya mga braso nya sa batok ko
"Damn your so beautiful" bulong ko bago ko sya siilin ng halik sa labi nya
Tinulak nya ko ng konti nung pinalalim ko yong halik namin
"Baka mabura na lipstick ko mahal" natatawa nyang sabi
"Sorry hindi ko lang mapigilan sobrang ganda kasi nag date ko" napalabi ako
"Ako rin naman sobrang guapo rin ng date ko" kumagat labi sya
Hahalikan ko na sana sya muli nang may mag-doorbell
"Lets go deans nandyan na sundo natin" hinila nya ko palabas ng condo nya
May isang lalaking sumalubong samin sa kotse at pinagbuksan kami sa passenger seat
Kinikiskis ko yong mga palad ko sa mga hita ko sobrang kinakabahan talaga ako
"Don't worry na mahal nandun naman ako hahaha masyado ka naman kinakabahan party lang naman pupuntahan natin" hinawakan nya ang kanang kamay ko
Hindi nakaligtas sakin yong mga tingin ng body guard nya
"Hindi kasi ako sanay pumunta sa social na party" kinulong nya ang kamay ko sa mga palad nya
"Kaya nga dapat masanay ka na" siniksik nya ang sarili nya sakin
Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko binabantay lahat ng galaw namin ng mga body guard ni carly
"Mahal bakit iba makatingin yong mga body guard mo?" Bulong ko sakanya
"Wag mo na silang pansinin" sabi nya, tumango nalang ako
Ilang minuto lang nung nakarating kami sa lugar na paggaganapan ng event
Katulad kanina pinag-buksan din kami ng mga sumundo samin
Naestatwa ako nung makita ko ang isang napakalaking mansion
Malapalasyo sa ganda
Hinawakan ni carly ang kamay ko at hinila na papasok
Binabatati sya ng lahat ng masalubong namin at may panghuhusgang tinitignan kami lalo na yong kamay naming magkahawak
"Hello babe bagong toy mo?" Sabi nung babae lumapit samin at beneso si carly
"Shot your mouth" nilagpasan lang namin sya ni carly
"Hello dad! I miss you" sabi nya at nagbeso sa daddy nya ata?
Bumitaw naman ako sa kamay ni carly nung nakatingin dito ang daddy nya
"Let's go our visitor are waiting for" sabi ng daddy ni carly
"But wait dad! I want you to me...."
"Let's go" maawtoridad nyang putol sa sasabihin ni carly
Hinila sya ng daddy nya na hindi manlang nakapag-paalam sakin
I think hindi ako gusto ng daddy nya para sakanya
Kumuha ako ng red wine sa dumaang waiter at pumunta sa counter para umupo
Bahay siguro nila carly to? Napakaganda ng bahay nila sobrang lawak ng garden kaya siguro dito ginawa ang event
May malaking swimming pool sa bandang gilid
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim