Napakaganda ni Ponggay sa suot nitong white dress.
Naglalakad sya sa isang mahabang pulang tela, papunta sa lalaking naghihintay na sa Dambana.
Sobrang gwapo naman ni Kobe sa long-sleeve white polo nya na tinernuhan ng cream na pantalon.
Lahat nang masasayang moment ng couple na 'to, saksi ang lente ng camerang nasa mukha ko.
Napatingin ako kay Jema sa kalagitnaan ng kasal, busy ito sa pagmamando sa mga abay para sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Kung allowed lang ang same sex marriage dito sa Pinas.
Gusto ko rin nitong beach wedding, hindi lang ang mga malalapit na tao sainyo ang saksi ng pag-iisang dibdib nyo.
Pati narin ang mga magagandang tanawin, malawak na dagat malamig na simoy ng hangin at mga mumunting huni ng ibon sa karagatan.
Ang problema lang wala naman gustong magpakasal sakin, hahaha.
2 years na kong walang Jowa. Gusto ko munang mapag-isa at ayoko ng maging unfair sa magiging partner ko, katulad ng nangyari kay Carly.
Yung tipong umalis lang sya, pinormahan ko na agad si Jema.
Hindi naman nagalit si Carly, gusto nga nya mag-umpisa kami ulit eh!
Pero sabi ko, hindi pa ko ready at ayoko na ulit syang saktan.
Saka hindi rin naman nya ko kayang ipaglaban sa Daddy nya, kaya wala na syang choice kundi tanggapin ang pakikipag-kaibigan ko.
Napukaw muli ang atensyon ko kela Ponggay, nung inannounce na nung officiator na kasal na sila ni Kobe.
Agad kong kinuhanan ang kiss ng bagong kasal.
Pinicturan ko rin sila ng buong pamilya nila, pati narin ng mga abay.
"Jema! Deanna! Halika kayo sumama kayo samin!" Aya ni Ponggay.
Nagtinginan naman kami ni Jema, bago tumungo kung saan nandun ang buong tropa kasama ang bagong kasal.
Agad kaming siniksik ng mga kumag sa gitna katabi ni Ponggay at Kobe.
"Smile!" Sabi nung assistant photographer ko.
Wala na kaming nagawa ni Jema kundi ngumiti kahit ang awkward nung pakiramdam dahil sobrang dikit namin sa isa't isa.
"Pasensya kana?" Kamot ulong saad ko sakanya.
"Hahaha okay lang, sanay na ko sa mga mukong na 'yan!"
Napangiti nalang ako, "yiiiiiieeeee!" Katyaw ng mga kumag kong kaibigan.
"Uyyy wag kayong ganyan mamaya marinig kayo ng jowa ni Jema!" Saway ni Ced sakanila.
Kung ganun may boyfriend na nga sya! Malamang 2 years narin naman mula ng maghiwalay sila ni JV.
Imposible namang maging single lang si Jema, sa ganda nyang 'yan.
Awkward na tumingin sakin si Jema, para bang inaalam kung ano ang magiging reaksyon ko.
Ngumiti naman ako sakanya, "hindi mo ba ipapakilala sa bestfreind mo 'yang bagong jowa mo?"
"Aray ko po!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kumag.
"Kilala mo naman sya, at saka..." Tipid na saad tapos bumulong kaya hindi ko na narinig yung huling sinabi nya.
"Kilala ko?" Si Ara? Baka naman nagkabalikan na sila ni JV?
"Mamaya na 'yan, gutom na ko! Dun na tayo sa reception!" Sigaw ni Tots.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim