Chapter 20

4.1K 170 18
                                    

"Order mo po madam" umangat ang tingin ko kay pongs

Nandito kami sa mall napilit ko syang makipag kita sakin kahit busy sya sa office work nya at ngayon nya ko pinagbigyan sa lunch break nya

"Thanks" walang gana kong wika ko sakanya

"So ano nga ba pag-uusapan natin at kinukulit mo ko sa oras ng trabaho ko deanna wong? Hindi porket paeasy easy ka lang dahil walang kang trabaho e idadamay mo pa ako" bumuntong hininga ako

"Liligawan ko na si jema" nanglaki naman mata nya

"Pumayag na sya?" Tumango ako

"Oh eh di ba dapat masaya ka? Bat parang pinagbagsakan ka parin ng langit at lupa sa itsura mo?" Sabi nyang tinaasan pa ko ng kilay

"Feeling ko kasi na awa lang sya sakin kaya binigyan nya na ko ng chance" yumuko ako

"Eh di ba yan naman gusto mo bigyan ka nya nang chance? Tapos ngayon binigyan ka na nya ng chance nagmomukmok ka parin? Ano ba talaga deanna" sabi ni ponggay

Chance nga lang naman hinihingi ko at binigay na yon sakin pero parang hindi parin ako masaya?

Kasi pakiramdam ko napilitan lang syang gawin yon para sakin

"Alam mo pagkakataon mo na to ano man dahilan ni jema sa pagbigay nya sayo ng chance, dapat iproved mo ang sarili mo sakanya di ba? Sabihin natin na siguro nga hindi ka pa nya mahal higit sa kaibigan pero binigyan ka nya ng chance para iparamdam sakanya kung gaano mo sya kamahal at kailangan gumawa ka rin ng paraan para mahalin ka nya, dahil yon naman ang purpose ng panliligaw di ba? At yon ang binigay nya sayo ang mahalin mo sya at bigyan din ang sarili nyang mahalin ka" tumango-tango ako kay pongs

Tama sya siguro nga hindi pa ako mahal ni jema ngayon kasi kailangan ko pang pagtrabahuhan yon

"Nag-upgrade na sa paggiging tanga ang bestfriend ko kasi ngayon pinapaasa na sya haha" siniringan ko sya

"Haha joke lang! Pero deans paano nga pala si carly? Break na ba kayo at nililigawan mo na si jema?" Napanga-nga ako sa tanong nya nakalimutan ko na si carly

"Wala na kaming communication hindi ko alam kung kami pa ba" umiling-iling naman sya

"Isang linggo palang kayong walang contact sa isa't isa tapos nag-assume kana na wala na kayo? At nangligaw kana agad ng iba? Aba hindi pala uso sainyo ang 3 months rule" sarkastiko nyang wika sakin

Huminga ako ng malalim

"Hindi ko rin alam pongs naguguluhan din ako basta ang alam ko lang ngayon kailangan ko patunayan ang sarili ko kay jema, lalo pa't may sumisingit na naman iba" malungkot kong wika sakanya

"Guapo ba?" Nakangisi tanong nya sakin

"Masasabi kong guapo sya para sa isang babae" nanglaki naman mata ni pongs

"Babae?" Tumango ako

"OMG baliko na pala si jema" natatawa nyang wika

"So may pag-asa ka na nga kaso nagpapaligaw sainyo parehas hahaha mukha hindi pa sure si mare! Kawawa na naman bestfriend ko baka mafriendzone na naman sa bandang huli, kasi ang sinagot yong kasabay nyang mangligaw haha...... uh uh uh uh" naubo sya binato ko ba naman sya ng isang dakot na kanin deretso sa bibig nya hahaha

"Hayop ka deanna" sabi nya pagkatapos nyang uminom ng tubig

"Hahaha langya ka kasi hindi ko talaga alam kung kaibigan ba talaga kita" siniringan nya lang ako

"Ewan ko sayo makaalis na nga at sinasayang mo lang oras ko" tumayo sya sabay irap sakin

"Thanks pongs" hindi nya ko pinansin at derederetso na syang lumakad papalayo sakin

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon