Chapter 4

3.8K 161 21
                                    


Magkahawak kamay kaming nalalakad ni jema dito sa isang mall

Usual na ginagawa ng babaeng magbestfriend di ba?

Hindi rin nakakaligtas sakin yong mga mapanghusgang tingin ng mga nakakasalubong namin

Hindi ko alam kung nakikita ni jema yon o hindi nya lang pinapansin

"Deans dun tayo" sabay hila nya sakin sa isang boutique shop

Nakasunod lang ako sakanya habang namimili sya ng dresss

"Bagay ba to sakin?" Pakita nya ng isang floral dress

Ningitian ko sya at tumango

"Susuot ko sa 2nd anniversary namin ni jv" so ayon naman pala akala ko babawi

Gagawin lang pala akong alalay para mamili ng susuot nya para sa letseng anniversary nila ng kumag nyang boyfriend

Patakbo syang pumunta sa fitting room

Napanga-nga ako ng lumabas na sya

Napaka-ganda nya bagay talaga sakanya ang yellow lumilitaw ang mapuputi at makikinis nyang kutis

Makikita mo rin ang natural nyang kaseksihan sa hapit sa bewang nyang dress at nakapalobo naman sa bandang laylayan

Umikot-ikot sya sa harap ko

"Ano bagay ba?" Tumango ako ng maraming beses,natawa naman sya

"Napaka-ganda mo" wala sa sarili kong nasabi

"Sus bola hahaha bestfriend nga talaga kita" sabi nya tumakbo ulit sa fitting room

Nakatulala lang ako na hinihintay syang lumabas muli

"Miss pareserved nito ah? Babalikan ko promise" narinig kong sabi nya sa sales lady

"Akala ko bibilin mo na" sabi ko nung nakalapit na sya sakin

"Wala pang pera hahaha saka isang buwan pa naman yon kukulitin ko muna si papa para lakihan allowance ko" sinuksok nya sarili nya sa braso ko

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko

"Fishball hehehe namimiss ko na yon kainin kasama ka" sagot nya

"So sa labas nalang tayo kakain? Hindi naman natin maiienjoy fishball jan sa food court" napatango sya

"Mas enjoy kapag tinutusok-tusok di ba?" Sabi nya

Naglakad kami paexit ng mall para maghanap ng fishball vendor

Dati kasi nung high school kami sa paglabas palang ng school meron ng fishball

Sa university kasi sobrang layo pa nung nagtitinda kaya hindi na rin kami masyado nakakain

Bakit ganun? Sobrang malas naman dahil wala kaming makitang fishball vendor

Bumalik nalang kami sa loob ng mall

"Arcade nalang muna tayo dun nalang tayo sa kabilang kanto ng subdivision natin kumain ng fish ball" sabi nya habang sumasakay kami sa excalator

Tumingin naman ako sa dalawang babaeng parang couple yong isa maikli buhok na parang lalaki na talaga tapos yong isa usual na babae

Nangiti ako kasing sobrang brave nila na wala silang paki-alam kung hinuhusgahan na sila ng mga nakatingin sakanila

Sobrang sweet nila halos nagyayakapan na din sila kahit na pinagtitinginan na sila ng mga taong nakataas ang kilay sakanila

Sana may ganyan din akong tapang para ipakita sakanya kung ano ba talaga ako

Tumingin ako kay jema nakatingin din sya sa dalawang babaeng couple

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon