"Kamusta?" Tinignan nya lang ako
"Galit ka pa ba sakin?" Tanong ko ulit
"Alam deanna ang simple lang naman hinihiling ko sayo eh! Pero hindi mo pa ko kayang pag-bigyan" sabi nya
"Pumapayag na ko" tumingin sya sakin ng deretso
"Talaga?" Tumango ako
"Mga ilan araw ba? Ilang linggo? Ilang buwan?" Tanong kong umupo na sa tabi nya
"Depende kung mahulog ka" hininaan nya yong huli nyang sinabi kaya hindi ko masyado narinig
"Dependeng ano?" Umiwas sya ng tingin
"Hindi ko rin alam basta depende" kumunot ang noo ko
"Pagseselos lang naman natin si tots di ba?" Tanong ko
"Oo naman" parang may iba sakanya
Nabaling naman ang atensyon namin sa prof naming kakapasok lang
Ilang araw narin nakalipas nung muntik ko nang mahalikan si jema
Ilang araw ko narin syang iniiwasan kasi alam ko magtatanong sya
Pero sa tingin ko naman may alam na sya hindi siguro yong feelings ko para sakanya
Pero alam ko may alam na sya tungkol sa tunay na ako
Kaya eto naisipan kong tulungan si ced kung hindi ako magiging masaya sa lovelife ko atleast mapasaya ko naman ang kaibigan ko
Tungkol naman kay carly lagi lang kaming nag-uusap sa phone
May times na inaya nya ko lumabas pero bigla akong nagkaroon ng group project kaya ayon nacancel ang lakad namin
Pero nangako naman ako na babawi sakanya hindi ko lang alam kung kelan
"Tara na" hila sakin ni ced tapos na klase namin
"Wait saan ba tayo pupunta?" Huminto sya para tignan ako
"Lunch na kaya" napatingin ako sa relo ko pass 12 na mga alas 3 pa next subject ko matagal-tagal pa itatambay ko
Sumunod nalang ako sakanya nakatingin din ako sa kamay naming magkahawak
"Hey saan kayo pupunta?" Sabi ni pongs nakasalubong namin sya kasama si kobe
"Kakain" sabi ko
Tumingin naman si pongs sa kamay naming magkahawak sabay ngisi sya
Hinatak ko kamay ko kay ced tumingin tuloy sya sakin
"Ano namamawis kasi" palusot ko
Natawa naman nang malakas si pongs kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Sabay na kayo samin bro maglunch narin kami" aya ni kobe samin
Sabay-sabay na kaming naglakad papuntang canteen
"Ano ibig sabihin nun?" Nakangising bulong sakin ni pongs
"Pumayag na ko" bulong ko rin sakanya
Natawa na naman sya nang malakas
Tumitingin tuloy samin yong mga naglalakad din
"Goodluck deanna" sabay tap sa balikat ko
Dumikit na sya kay kobe nauna na silang maglakad samin
"Sigurado ka na ba?" Biglang tanong sakin ni ced
"Huh?" Parang naguluhan ako
"Sabi ko kung sure ka na ba talaga? Sure ka na ba talaga liligawan mo ko?" Tanong nyq ulit na nagpakurap sakin
BINABASA MO ANG
Pansamantala
Hayran KurguKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim