Yumuko ako nung hindi sya umimik sa tanong ko
"Deans nandito lang ako kahit anong mangyari nandito lang ako" tumayo sya nilapitan nya ko at niyakap ang ulo ko
Pinatong ko naman ito sa tyan nya pumikit ako
Sa tingin ko ako muna yong kailangan umiwas
Kailangan muna kitang pansamantalang pakawalan
Para hindi ako maging unfair kay carly
Kailangan muna kitang pansamantalang iwan
Para narin mawala na ang lahat nang nararamdaman ko sayo
Na dapat ngayon ay para kay carly nalang
Tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit
Sasamantalahin ko muna ito
Pangako huli na to
Humilay ako sa yakap namin hinawakan sya sa magkabila nyang balikat
"Jema" nakatitig lang kami sa isa't isa
"Deans" pumikit sya
Kumunot naman ang noo ko anong bang iniisip nya?
Pinitik ko sya sa noo nya
"Awwww masakit ah!" pinalo nya ko sa braso ko natawa tuloy ako
"Fishball tayo" sabi kong nagpatango sakanya
Hinawakan ko kamay nya at pinag-isa ko mga daliri namin
Tumingin naman sya dun sabay balik ng tingin sakin
Nginitian ko lang sya
"Dati naman natin to ginagawa ah? May problema ba?" Umiling sya
Siguro kasi naiilang na sya dahil alam nya ng lesbian ka
Huli naman na to eh!
Kaya hindi ko na iisipin kung ano ba nasa isip nya ngayon
Magkahawak kamay parin kaming nakarating kay kuya raul yong fishball vendor
"Tig 10 po" sabi ko baka tig 20 na naman sabihin ni jema
Hindi naman namin naubos nung nakaraan
"Alam mo mamimiss ko to" sabi ko nung sumusubo na ko ng fishball
"Bakit naman? Uulitin pa naman natin to ah?" Nakakunot noo nyang tanong
"Baka kasi maging busy na tayo eh sa mga school projects natin, alam mo na graduating di ba?" Tumingin muna sya sakin sabay inirapan ako
"Baka maging busy ka kamo kasi may girlfriend ka na" sabay nguso nya
"Hindi ah ikaw parin priority ko kahit anong mangyari, alam mo naman isang tawag mo lang darating ako agad" tumitig naman sya sakin
Syet bakit ko ba nasabi yon
Akala ko ba PANSAMANTALA mo muna syang iiwasan for carly?
Bahala na!
"Bakit?" Syet bakit naman nagtanong pa sya
"Syempre bestfriend kita di ba?" Sagot ko
"Pero syempre dapat girlfriend na priority mo di ba?" Sabi nyang umiwas ng tingin sakin
"Ah tulad mo? Na pinariority mo ang boyfreind mo at kinalimutan ako?" Napalo ko naman ang bibig ko pagkatapos kong sabihin yon
Ang bobo ko talaga bakit ko ba nasabi yon
"Sorry deans" ngumiti ako ng mapait
"Wala ka naman dapat ikasorry naiintindihan ko boyfriend mo yon eh bestfriend mo lang naman ako" natahimik sya
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanficKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim