Sobrang awkward lang nung pakiramdam, feeling ko kasi nagsisisi si Jema sa kiss na 'yun.
Wala ng nagsalita pagkatapos ng halik na namagitan samin.
Hanggang makalabas kami sa star city hindi na nya ako kinausap.
Hindi ko rin alam kung paano mag-uumpisa ng pag-uusapan, kasi kitang kita ko na sobrang awkward na ni Jema sakin.
Naglalakad na kami pauwi dito sa subdivision ,nakasunod lang ako sakanya.
"Sorry!" Sabay naming saad.
Nagtinginan kami, para bang nagpapakiramdaman, kung sino ulit ang unang magsasalita.
Huminga sya ng malalim.
"Deans sorry kasi....." nagpalakad lakad sya sa harapan ko. "Hindi ko pa pala kaya," hinarap na nya kong muli.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumulo ang luha nito, "Sobrang unfair lang sayo kasi......" huminto muna sya. "Ayoko kitang saktan Deanna, pero kailangan ko tong gawin, sobrang unfair nun, para sayo, kailangan natin to."
"Ano ba yon Jema? Deretsuhin mo na nga ako?" Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.
"Si JV, ang nakita ko. Habang hinahalikan mo ako."
Naikuyom ko ang mga palad ko.
"I'm sorry Deans, akala ko kaya ko na, akala ko kaya na kitang pagbigyan." Lumakas ang pagtangis ni Jema.
"Ayokong dumating yung panahon, na lalo lang kitang masasaktan. Kaya kailangan ko muna, mag-isip ngayon, kailangan ko muna mapag-isa!l. Sorry talaga, Deanna."
Yumuko lang ako ,hindi ko alam kung anong sinasabi nya.
"Binabasted mo na ba ako? Sobrang bilis naman? Akala ko ba bibigyan mo ko ng chance?"
Sinakop ng mga kamay nya ang magkabilang pisngi ko.
"Ayaw kitang gawin panakip butas o rebound Deanna, hayaan mo muna ako makaalis sa sakit nang nakaraan ko."
Hinahaplos nya lang ng paulit ulit ang mukha ko.
"Hayaan mo kong tulungan ka, please?"
Umiling sya, "lalo lang kitang masasaktan Deans. Kaya hayaan mo muna ako mag-isa."
"Paano naman ako?"
"Para rin naman to sayo eh! Para rin to sating dalawa Deanna."
Umiling-iling ako. "Ano bang dahilan bakit hindi mo ko kayang mahalin!!!!!" Napapitlag sya, sa paglakas ng boses ko.
Lumayo ako sakanya ,sinabunutan ko ang sarili kong buhok.
"Deans......" humagulgol nyang tawag sakin.
"Ayaw kitang saktan pero mas masasaktan lang kita lalo kung ipagpapatuloy pa natin to." Handa akong masaktan basta kasama lang kita.
Hinawakan ko mga kamay nya.
"Jema handa naman akong maghintay . Please kahit gaano katagal basta bigyan mo parin ako ng chance, yun lang naman hinihingi ko sayo eh."
"Tama na Deanna please? Naguguluhan narin ako eh! Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ba tong nararamdaman ko sayo! Basta ang alam ko lang ayoko kitang saktan, ayokong maging unfair sayo. Kasi sya parin 'yung naiisip ko, kahit ikaw yung kasama ko."
Humagulgol nalang ako sa narinig ko.
Wala na ba talaga akong chance sayo, Jema?
"Mahal na mahal kita Deans," hinawakan nya muli ang mga pisngi ko.
"Alam ko sa sarili ko na mahal kita, pero hindi ko lang alam kung kaibigan o higit pa sa kaibigan tong nararamdaman ko sayo!!! Hindi ko nadin alam sobrang naguguluhan na ko, Deanna."
"Please bigyan mo lang ako ng panahon, bigyan mo lang ako ng oras. Para mabuo muli ako, yung kaya ko nang ibigay yung sarili ko ng buong buo sayo, Deanna."
Tinignan ko sya ng deretso sa mga mata nya.
Kitang kita ko dito ang pagkalito.
Kitang kita ang lahat ng sakit, ng pinag-dadaan nya ngayon.
Wala na kong magagawa, kung ito talaga ang gusto nya at alam nyang makakabuti sa sarili nya.
Ibibigay ko.
Ganun naman di ba kapag mahal mo? Handang mong ibigay ang lahat para lang sa ikasasaya nito.
At ito lang ang gusto nya kaya hindi ko 'yun ipagkakait dito.
"Mahal na mahal kita," bulong ko.
Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa mga pisngi ko at tumakbo palayo sakanya.
-----------------------------------
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo anak? Hindi na ba yan magbabago?"
"Ngayon pa ba ako magdadalawang isip Ma? Flight ko na kaya, saka ilang linggo na naapprovan yung petition ko, desisyon ko nalang hinihintay diba? Wala ng urangan to."
Niyakap ako ni mama ng mahigpit, "mamimiss ka namin Sachi."
"2 years lang naman po Ma, babalik din po agad ako." Lalo lang humigpit ang yakap ni mama at ngayon humihigbi na.
"Sayang naman yung work mo dito, kakaumpisa mo palang eh."
"Ok lang yun Ma, mas malaking opportunity naman ang nag- aabang sakin sa Amerika."
"Nandun naman si ate Nicole, si Carly. Hindi naman ako mahihirapan dun."
"Basta mag-ingat ka dun ah?" Tumango ako at inaya na itong lumabas.
"Mag-iingat ka dun anak ah? Tatawag ka kapag nagkaproblema." Bilin ni Papa, pagkalabas ko ng kwarto.
"Don't worry na po Pa, nandun naman si ate Nicole hindi naman nya ko pababayaan."
"Basta tumawag ka parin, kapag may problema, para hindi kami nag-aalala."
"Noted po Pa," at niyakap ko na sya.
"Sachi, galingan mo sa pag-study dun ah? Para makabili na agad tayo ng mansion at maraming kotse kapag may work ka na." Natawa kaming lahat kay Peter.
"Sige tutuparin natin yang napaka-imposible mong pangarap sa loob ng 2 years." Sabay gulo sa buhok nya.
"Mamimiss po kita Sachi," at niyakap ako ni Peter.
"Mamimiss din kita, mamimiss ko kayo sobra," tumulo na ang luha ko.
"Group hug!!!!" Sigaw ni Josh at ginitgit na nila ako para yakapin.
Medyo natatawa kami dahil ang lakas ng atungal ni Mama.
"Basta ako sachi, PSP4 lang masaya na, " sabi ni Josh pagbitaw naming lahat sa akap.
"Lakas ng loob, ang iuuwi ko sayo, para makapag-tapat ka na kay Mafe, hahaha."
"Ayos ah? Ikaw nga forever Bestfriendzone," sinamaan ko sya ng tingin.
Pinaalala pa eh! Yun na nga ang main reason kung bakit aalis eh!
"Oh tama na yan, mamaya magkapikonan pa kayo," awat ni Papa.
"Sige na po aalis na ako, nandyan na yung grab na binook ko."
"Sure ka bang ayaw mo ng magpahatid anak?"
Umiling ako, "wag na po Ma. Mahihirapan lang ako, baka magbago bigla ang isip ko. Sayang yung opportunities"
Niyakap ko nalang ulit si Mama bago lumabas ng bahay.
Tinulungan ako ng driver na ilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan nya.
"See you in 2 years. Sana sa pag-alis ko maiwan ko narin sa lugar na to, ang pagmamahal ko sayo. Maraming salamat sa pansamantalang kaligayahang pinadama mo sakin, Jema."
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim