Carly's
"Sino na naman 'yang binubugaw mo sakin ah? Ricci?"
"Trust me, Car. Magugustuhan mo 'to."
"Jusko, Cci. Hindi ka pa nauumay kakareto sakin kung kanikanino? Ako kasi umay na umay na eh."
"Sus, parang hindi ka naman nag-eenjoy sa mga babaeng pinadate ko sayo."
Napa-ismid ako. Fernes naman panalo magbigay ng lalandiin ang mokong na'to.
"Sino ba kasi 'yan? Sure mo lang na maganda ah? Naku, nadala ako sa huling pinadate mo sakin, hindi ko alam saan mo 'yun napulot," sabi ko sabay roll eyes. Oo panalo nga magreto si Ricci pero yung last na pinadate nya sakin parang kung saan nya lang napulot. Sorry naman, hindi kasi talaga ako nagdedate ng babaeng nakamio. Oo na, sobrang taas ng standard ko.
"Hahaha, baka kapag nakita mo si Deanna malalag panty mo." Nakangisi nyang sabi.
Tinignan ko sya pailalim, sabay napangisi rin ako.
"Sa itsura mo, mukhang ikaw nalaglagang brief sa Dina na 'yan ah?"
"Deanna, hindi Dina." Pagtatama nya. Napataas kilay ko.
"Dina nga!" Medyo irita kong sabi.
"Dean'na!" Diin nya. Aba! "D.E.A.N.N.A." oh inispelled pa ni loko.
Natawa ako, "hahaha. Oo, na. Dean'na na kung Deanna. So ikaw nga ang nalaglag ang brief sa babae na 'yun."
Nagkibit balikat si Ricci, "babae din gusto eh. Hindi naman sya tulad mo na bisexual, babae lang talaga gusto nya."
Napangiti ako. Minsan ko lang nakitang seryoso ang mokong na 'to. Mukhang tinamaan talaga sa Deanna na yun. At dahil dyan nacurious ako sa hitsura nya at gusto kong makita kung anong nakita ng lalaking 'to.
"Okay. Game ako. Kailan mo ipapakilala sakin?" Excited kong tanong kay Ricci.
"Sandali lang, wag kang atat!" Sagot nya. "Basta promise me, bibigyan mo lang ng experience ah? Ilalayo mo lang yung attention nya kay Jema. Please wag mo syang pa-ibigin sa'yo, baka lalo lang masaktan yung kaibigan ko."
"Aba, hindi ko na kasalanan kung mabihag ko nga sya at lahat ng attention nya mapunta sakin at hindi rin malabong mapa-ibig ko yun. Sa ganda at hot ko ba naman na 'to?" May pagmamalaking sabi ko sabay hawi ng mahaba kong buhok.
Nagbago itsura ni Ricci. Kumunot ang noo nito. "Wag nalang kaya?"
Natawa ako. "Hahaha, wala ng bawian uyyy. Curious na ko sa babae mo eh. Game na."
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim