Chapter 2

5K 167 12
                                    



Natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo palayo sa perya.

Dinala ako ng mga paa ko sa parte ng subdivision na wala pang nakatayong bahay.

Tanaw na tanaw ko rin dito ang letseng perya na pinanggalingan ko.

"Aaaaaaahhhhhhhhhh." Sigaw ko. "Mahal na mahal kita Jema!!!!!!!!!" Tumulo ang luha ko. "Kahit kaibigan lang ang tingin mo sakin," bulong ko.

Magkababata kami. Nakilala ko s'ya nung grade school palang kami. Tapos iisang subdivision pa kami nakatira.

Nung una naguguluhan ako kung ano ba tong nararamdaman ko sakanya nung 3rd year high school na kami.

Nakakaramdam na ko ng selos, kapag may kasama syang iba. Lalo na kapag lalaki.

Nasasaktan din ako kapag nagkwekwento s'ya tungkol sa mga crush n'ya.

Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko nung mga panahon na 'yun.

May gusto ba ako sa bestfriend ko? Pero mali diba? Kasi babae din ako!

Ilang beses kong nilabanan yung kakaibang nararamdam ko kay Jema, hanggang unti-unti ko 'tong natatanggap.

Gusto ko si Jema, hindi bilang kaibigang babae kundi gusto ko s'ya bilang babae.

Pinilit kong itago yung feelings ko for her, kasi natatakot ako malaman n'ya.

Natatakot akong layuan n'ya ko dahil babae rin ang gusto ko tapos s'ya pa! Ayokong masaya yung nabuild naming friendship dahil lang sa letseng feelings ko para sakanya.

Kaya, heto. Nakuntento nalang ako maging bestfriend ng babaeng gusto ko. Aaminin ko, minsan, umaasa akong maging higit paro'n ang relasyon namin. Na makita n'ya hindu lang bilang bestfriend n'ya. Yung suklian n'ya rin kung ano yung nararamdaman ko sakanya

Nung dumating si JV sa buhay namin, lalo akong nawalan pag-asa kay Jema. Ano ba naman kasi laban ko sa kaisa isang lalaking minahal n'ya?

Nung dumating yung lalaking yun, nawalan na rin ng oras sakin si Jema.

Halos hiram nalang ang binibigay n'yang panahon sakin.

Kapag nag-aaway lang sila. Kapag kailanga n'ya ng kasamang bumili ng regalo o susuitin sa date n'ya. Dun ko lang s'ya nakakasama. Dun n'ya lang maalala na meron palang ako na nag eexcist sa buhay n'ya.

Sa kulang two year na relasyon ni Jema at JV. Puros iyak at lungkot nalang ang pinagsasaluhan naming dalawa.

At sa tuwing umiiyak s'ya dahil sa lalaking 'yon! Mas double pa yung sakit na nararamdaman ko. Nadududrog ang puso sa tuwing nasasaktan ang kaisa isang babae minahal ko.

Yumuko ako, tinakip ang mga palad sa mukha ko.

Alam ko delikado na sa parte ng subdivision na 'to. Pero wala na kong paki-alam.

Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit ng nararamdaman ko.

Baka sakaling mawala na 'to at bukas okay na ulit ako.

May humawak sa mga kamay kong nakatakip sa mukha ko.

Napitlag ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig narin ang tuhod ko. Kinabahan ako sobra.

Hindi ko makita ang mukha nung lalaki dahil sobrang dilim. Mabilis akong lumayo sakanya, pabalya kong binawi ang mga kamay ko.

"Ako lang 'to, Deans." Napahinga ako sa relieved nang mabosesan ko ang lalaki. Si Ricci, kapitbahay namin. "Sinundan kita, nakita kasi kitang tumatakbo sa parte na 'to. Masyadong delikado dito Deanna. Ano bang ginagawa mo dito?" Lumapit ako kay Ricci,  niyakap ko s'ya ng mahigpit.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon