Chapter 17

3.9K 175 18
                                    

"Hey deans bumangon ka na jan" sabay palo sa pwet ko

Arrrrrggggg nandito na naman sya nakakainis na

Araw-araw nalang nya ko kinukulit pagkatapos ng gabing yon

"Ano ba jema? Natutulog pa yong tao eh" inis na wika ko sakanya

Hinawakan nya kamay ko at pilit na hinihila patayo sa kama

"10 am na po master deanna" natawa pa sya

"Please naman jema patulugin mo pa ko" umiling sya

Napanguso ako

"Last day na natin ngayon deans para makapag-enjoy dahil bukas sasabak na tayo sa bagong mundo natin" sabi nya

"Ikaw palang naman ang nakapag-apply at magkakatrabaho hindi ako" walang ganang wika ko sakanya

"Kasi nagmumukmok ka lang dito kaya kailangan mo ng maarawan lalo kang puputi nyan eh" natatawa na namang nyang wika

Pumwesto sya sa likod ko at tinulak ako papasok ng banyo

Nakaupo sya sa kama ko paglabas ko ng banyo

"Bakit ba parang ang saya-saya mo?" Hindi kasi maalis ang ngiti nya sa labi nya

"Wala naman dahilan para malungkot ako di ba?" Kinawag pa nya ang mga paa nya

Tsk akala mo hindi broken

Sabagay hindi karapat-dapat iyakin yong walang hiyang jv na yon

Pero hindi ako sanay na hindi nya iniiyakan ang gagong yon

Marunong na ba syang magtago ng emosyon nya?

"Alam mo matutunaw na ko kakatitig mo" sabi nyang kumagat labi pa

"Nagtataka lang ako na masaya ka" tumaas naman kilay nya

"Ano!! Kailangan ko bang maglumpasay at mag-iiyak dito?" Natawa naman ako sa reaksyon nya

"Ayan bagay talaga sayo yong tumatawa" nailing nalang ako

"Tara na nga at mag-enjoy sa natitirang bakasyon hindi na natin to magagawa bahala ka" hinila na nya ko palabas ng kwarto ko

"Good morning mama" niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi

"Thanks God sachi lumabas ka rin ng kwarto" sabi ni mama

"May isang tao kasing makulit eh" nginuso ko si jema na natatawa lang

"Thank you ija sa hindi pagsuko sa pangungulit dito sa sachi namin" wika ni mama sakanya

"Naku tita bestfriend duty po hahaha"timingin ako sakanya ng deretso

Mukhang gusto nya lang talaga bumawi sakin

Hindi ko alam pero nasasaktan parin ako kapag sinasabi nyang bestfriemd nya lang ako

Hinaplos naman ni mama likod ko napansin nya siguro

"Mama lalabas lang kami ah? Pagbibigyan ko lang si jema" tumango lang si mama

Nauunang maglakad si jema nakasunod lang ako

Mukhang sa fishball'an na naman ang tuloy namin neto

"Tig 10 po" sabi ni jema pagdating namin kay kuya raul

"Ayos ka lang ba talaga" ngumiti naman sya

"Oo naman! Bakit naman hindi ako magiging ayos di ba?" Sabi nya, nailing naman ako

Kitang kita ko naman sa mga mata nya yong lungkot at sakit eh

"Jema..." tinakpan nya ng hintuturo nya ang bibig ko

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon