"Deanna wait lang" pigil nya sakin lalabas palang ako ng gate nila"Ano? May gagawin pa ko sa bahay" sabi ko hindi ko sya nililingon
"Makinig ka muna kasi" pilit nya kong hinaharap sakanya
"Sabi nya last na to kaya pinag-bigyan ko na" inipit nya ang mukha ko ng kanang kamay nya at inalog ang pisngi ko
Wow sobrang namiss ko tong ginagawa nya sakin
Hindi parin ako sumagot at hindi ko parin sya tinitignan
Nangako sya! Dapat hindi nalang sya nagpromise kung hindi naman nya tutuparin
Sabagay hindi pa ba ako sanay kay jema? Ilang beses na ba syang nangako na hindi nya tinupad?
"Ah jema mauuna na ko nakapag-paalam na rin ako kela tito at tita" boses nung ara ,lumitaw sa gilid namin
Binitawan ni jema ang pisngi ko
"Salamat ara! sa paghatid ingat ka sa pagdadrive" sabi ni jema habang sinamahan pa ito lumabas sa gate nila
"No thank you! Kasi pinag-bigyan mo ko kahit sa huling pagkakataon" matamlay na wika nung ara
"Tsk ang dami pang sinasabi" siniringan naman ako ni jema
"Sorry talaga ara? Friends parin naman tayo di ba?" Lumawak naman pagkakangiti nung ara sa sinabi ni jema sakanya
"Oo naman! Masaya ako kasi ituturin mo parin akong kaibigan" ako hindi masaya kaya pwede ba umalis kana?
"Syempre naman senior supervisor kaya kita baka mamaya sisantihin mo ko eh" biro ni jema sakanya
Nagbiroan pa sila bago tuluyang nagpaalam yong ara
Kanina ko pa gusto umalis pero mahigpit ang hawak sa kamay ko ni jema
"Ano bang problema mo?" Hinarap na nya ko pagkalayo palang ng sasakyan nung bisita nya
"Wala" huminga sya ng malalim na para bang pinigilan ang sarili nyang magalit
"Sabihin mo na kasi para matapos na to at hindi na lumaki pa" sabi ni jema
"Dapat kasi hindi ka nalang nangako kung hindi mo rin pala kayang tuparin" sabi ko naman
"Tinupad ko naman ah? Pinatigil ko na sya" tinaasan ko sya ng kilay
"Bakit hinatid ka parin nya bakit may bulaklak parin?" Tunog girlfriend ako na sobrang nagseselos
"Kasi nga last na yon pinag-bigyan ko lang sya bakit ba sobrang big deal nun?" Bakit nga ba?
Hindi ko maamin sa sarili ko na iinsecured ako sakanya
Naiinsecured ako kay ara kasi mas lamang sya sakin sa lahat ng bagay
Kaya nyang idate si jema kahit saan nya gusto
May kotse sya na maghahatid sundo kay jema
Mas bongga yong mga bulaklak na binibigay nya kay jema
Samantalang ako isang stem lang nahiya pa ko ibigay
Oo sobrang insecured ako sakanya hindi ko kayang tanggapin kung sakali man sagutin sya ni jema
Mas matatanggap ko pa na mahal ni jema si jv kesa isipin na sasagutin nito si ara
Kasi kaya kong tanggapin na sa lalaki mapupunta si jema kesa sa babae
Dahil kung babae rin pala gusto nya bakit hindi nalang ako?
Kaya oo sobrang big deal nun parin sakin
Dahil mas madaling tanggapin na mapunta si jema sa lalaki kesa sa babae
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanficKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim