"Oo na pasakay na sa grab! Saan ka ba?"
"Nasa coffee shop malapit sa office ko! Hintayin kita ah? Bilisan mo!"
Napangiwi nalang ako, nang marinig ko ang busy tone, mukhang binabaan nya ko.
Napaka-demanding talaga ng bestfriend kong 'to.
Kung hindi lang talaga magagalit ang bruhang 'yan, hindi ako uuwi eh.
Ang saya-saya ng buhay ko sa Canada, tapos papauwiin nya lang ako, dahil ikakasal na daw sya.
2 years palang kaming tapos ng college, magpapatali na sya?
Nabaling ang atensyon ko, sa labas ng bintana ng grab na lulan ako.
"Isang taon na pong nasunog 'yan at hanggang ngayon hindi pa din malinaw ang dahilan," tukoy nung driver sa star city na tinatanaw ko.
"Ang sabi, eh. Dahil sa pag-spark ng kuryente sa stock room, pero may nakapag-sabi din na sinadya itong sunugin."
"So, hindi po sila nakapag-bukas nung Christmas season at ngayong summer?"
Umiling si Manong, "ang sabi. Ngayong Oktober pa raw 'yan bubuksan."
Napatango naman ako, bago bumuntong hininga.
Saksi ang lugar na 'yan sa pinaka masayang araw ko at pinaka-masakit din.
Bumabalik na naman ang mga ala-alang matagal ko ng gustong kalimutan.
Pero hindi naman kasalanan ni Jema na hindi nya kayang ibalik ang pagmamahal ko sakanya.
Dahil si JV lang naman talaga ang tanging minahal nya
Baka nga nagkabalikan na yung dalawang yun, dahil nacancel na ang kasal ni Carly at ng lalaking yun.
Oh kung hindi man sila nagkabalikan, baka may bago na sya!
Tama Deanna! May bago na sya kaya tigilan mo na ang kaka-asa.
2 years mo na nga syang hindi nakikita eh. Kaya dapat move on ka na.
Dapat tanggap mo ng Bestfriend lang talaga ang tingin nya sayo...
"Deans," kaway ni Pongs pagkapasok ko palang sa coffee shop na meeting place namin.
"Sorry, ang traffic." Sabi ko sabay beso sakanya.
"Ok lang! Ano ka ba, kamusta?"
Umupo ako sa tapat ng upuan nya, "heto cute parin. Hahaha!"
"Yabang, eh wala parin namang Jowa."
"Ganun talaga kapag fucos sa work, ikaw kasi malandi, kaya ayan magpapatali. hahaha," sabi ko sabay peace sign.
"Mai-rhyme lang eh no? So kamusta nga? May balak ka pa bang bumalik sa Canada?"
Nagkibit balikat ako, "wala pa akong plans sa ngayon. Inaasahan din ni ate Nicole, na bumalik ako."
"Bakit? Wala ka bang naiwan dun? Work or pinaasa? Hahaha!" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Hoy hindi ako nag-paasa ah?" Sabi ko, Tapos tumawa naman ng malakas si Pongs.
"Ay sorry, ikaw pala yong pinaasa." Sabi nya sabay nagpeace sign din sakin.
"Ewan ko sayo Pongs, pinapunta mo ba ako dito para asarin?" Inis na saad ko.
"Hahaha sorry na, hintayin na muna natin sya, para makapag-start na tayo."
"Sinong sya?" Takang tanong ko.
"Ayan na," sabay tingin sa entrance ng coffee shop.
Mabilis naman akong napasunod kung saan sya nakatingin.
Isang maputing babae ang tila ba nag-sslowmo palapit sa kinaroroonan namin.
Maluwag ang pagkaka-ngiti nito, sobrang ganda nya sa suot nyang red dress.
Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
Tila may mga kabayong atang nagkakarera sa loob nito.
Puta, heto na naman tong letseng puso ko hindi na natuto.
"Sorry! Dinaanan ko pa yung cater, kaya nalate ako."
"Naku ayos lang, halos kararating lang din naman ni Deanna, diba Deans?"
Napalunok pa ako bago tumango at matipid na ngumiti.
"Oh hi? Kamusta?" Ilang na saad nya.
"Ayos naman," sabay kamot sa ulo ko.
"Nakabalik ka na pala!" Nahihiyang saad ni Jema, tapos umupo sa tabi ko.
"Mga two weeks narin," tumango sya.
"Hahaha," napatingin kami kay Pongs. "Alam nyo para kayong mag-ex na nagkita ulit, diba magbestfriend naman din kayo? Bakit sobrang pormal nyo?"
Pinanglakihan ko sya ng mata na lalo lang nagpatawa sakanya.
"Hahaha order na nga lang muna ako, enjoy nyo lang ang awkward moment nyo." Sabi nya bago tumayo sa pagkakaupo, sa harapan namin.
Puta talaga tong si Pongs eh! Kung hindi ko lang to bestfriend, napatay ko na 'to. Charr lang, hahaha.
"Kamusta?" Basag ko sa katahimikan namin ni Jema.
"Ito maganda parin," sabi nya sabay hawi-hawi pa ng buhok nya.
Napangiti ako, "hindi naman ako kokontra dyan."
"Hahaha joke lang, eto naman." Tapos pinalo ako sa braso.
Sabay din kaming natawa parang nawala na yong awkwardness na namayani samin kanina.
"So photographer ka na pala?" Masigla na nitong tanong.
"Oo, mga isang taon narin. Pero first ever project ko tong kasal ni Pongs, sana hindi ko sya madissapoint."
"Ano ka ba, magaling ka kaya! High school palang tayo ang gaganda na ng mga kuha mo. Kaya sure akong perfect ang kalalabas ng mga memories ng kasal ni Pongs, dahil ikaw ang photographer at videographer nya."
"Hahaha, nambola ka pa."
"Uy hindi ah? Sa true lang tayo hehehe," ang sarap naman sa ears ng tawa nya.
"Oo na nga hehehe, so ikaw ba? Ano pinag-kakaabalahan mo ngayon? Dun ka parin sa kumpanyang pinag-tatrabahuan mo?"
Umiling sya, "nag-resign na ako dun last year pa. Nasa event industry na ako ngayon."
"Organizer ka na?"
Mabilis syang tumango, "mas enjoy ako sa trabaho ko na 'to."
"Wow naman mukhang may magkakabalikan ah?" Singit ni Pongs.
"Huh?" Sabay na saad namin ni Jema.
"Hahaha magkakabalikan bilang magbestfriend, kayo ah?" Bwisit talaga to eh.
"Ewan ko sayo Pongs, mag-umpisa na nga lang tayo para sa plano ng kasal mo." Kunot noong saad ko.
"Actually si Jema, kailangan mong kausapin tungkol dyan. Dahil sya ang organizer ng kasal ko."
Napatingin naman agad ako kay Jema, alam ko ang mga event oranizer may sariling photo at video coverage eh.
So hindi na pala ako kailangan diba? Ano pang dahilan bakit kinuha pa ako ni Pongs.
"May sarili kaming video at photo coverage, kaya lang pinaki-usap ni Pongs na sya daw ang kukuha ng photographer sa prenup at yun na din daw ang mag-cocoverage ng kasal nya."
"Pero hindi naman daw ibabawas sa bayad, kaya ayon. Pumayag na din ang kumpanya. Pero yung assitant mo, pwede ka ring humiram samin, tutal bayad naman yun, kung gusto mo lang naman."
Mahabang paliwanag ni Jema, mukhang wala na akong choice kundi makatrabaho sya.
Tinignan ko ng masama si Pongs, na nagpipigil na ng tawa ngayon.
"Ayaw mo kasing maging maid of onor ko kaya ayan, hahaha." Bwisit talaga.
May araw ka rin saking letse ka.
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim