Nakasubsub lang ako dito sa kinakain ko hinahayaan ko lang sila mag-usapActually hindi ko nga maintindihan pinag-uusapan nila dahil tinuon ko lang ang pansin ko sa kinakain kong chicken wings
Pero si jv at carly lang naririnig kong nag-uusap kaya naman umangat ako ng tingin
Tama ako nakatingin nga lang sakin si jema kaya yumuko nalang ulit ako sa pagkain ko
Nagdecide kami na iisang table nalang
May gusto sana sabihin si jema pero pinigil sya ni jv at inaya na kami sa loob netong restaurant
Kaya heto na nga magkakasama nga kaming kumakain pero hindi ko rin alam kung mag-eenjoy ako sa kinakain ko
"So gaano na kayo katagal magkakilala netong bestfriend ko?" Umangat ako ng tingin nung si jema na ang nagtanong kay carly
"I think mag-two weeks palang right?" Baling nya sakin, tumango ako
"Two weeks palang pero kayo na? Ang bilis rin pala neto ni wong no?" sarkastikong sabi ni jv
Nagkibit balikat lang ako sakanya
"Hahaha torpe kaya to" sabi ni carly habang hinahaplos pa ang braso ko
"So ikaw nag first move?" Lumingon kaming lahat kay jema, nakataas ang kilay nya
"Yah parang wala naman atang masama dun" may himig nang pagtataray sa boses ni carly
"Sa-saan mo gusto ne-next na pu-pumunta?" Nauutal kong tanong ko kay carly para mabaling sakin ang atensyon nya
"Bakit wala ka bang klase" tanong ni jema
"3 hrs ang vacant ko ngayong araw" sagot ko sakanya pero kay carly lang ako nakatingin
"So mabalik tayo sainyo paano naging kayo? Saka paano kayo nagkakilala? Sa two weeks na yon ilang beses na kayo lumabas?" Hindi rin tsismoso tong si jv ano?
Natawa si carly, siguro naisip nya rin yong naisip ko
"Actually first time lang namin magkita ngayon lagi nya kasi akong tinatanggihan" lumabi pa sya sakin
Umubo naman nang peke si jema
Naalala ko na naman ayaw nya nga pala nakakakita ng sweet na same sex couple
Umupo naman ng deretso si carly
"Pinakilala lang kami ni ricci sa isa't isa, pero hindi ko sya nakausap nung araw na yon, mukha kasing mahiyain sya and then bigla nalang sya nagpaalam na umuwi nang hindi manlang kami nag-uusap, kaya ayon nacurious naman ako sakanya hiningi ko kay ricci number nya and then ayon dun na nagstart" nakangiting kwento ni carly sakanila
Napatingin ako sa relo ko halos isang oras narin pala kaming kumakain at nagkukwentuhan
"Ok lang ba kung mauna na kami?" Tanong ko kay jema na hindi parin tumitingin sakanya
Inabot ko rin yong wallet ko sa bulsa ko para ibigay yong parte ng bayad namin
Kumamot ako sa kilay ko nung 3k nalang nasa wallet ko allowance ko pa to ng ilang araw
Di bali hihingi nalang ako kay mama
"Ako na" sabi ni carly, naglapag sya ng 2k sa mesa
Hindi nya na ko hinintay sumagot, dahil hinila nya na ko patayo at palabas ng restaurant
"Sya pala yong bestfriend mo na sinasabi ni ricci" sabi nya habang naglalakad na kami
"Sinabi rin sayo ni ricci yon?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim