Napapasabunot ako sa buhok habang pinapadyak ang paa ko
Nakaupo ako sa waiting shed ngayon nag-aantay ng masasakyan
Pero hindi ko alam saan ako pupunta
Monstsary namin ni carly ngayon nag-hahanda na sya sa condo nya
Masaya pa syang tumatawag sakin
Ang saya-saya ko pa kanina sobrang excited pa ko ngayong araw na to
Pero lahat ng saya ko napalitan ng pag-aalala
Si jema
Tumawag sya umiiyak, kailangan daw nya ko
Putang ina
Bakit ngayong araw pa?
Bakit ngayong special na araw pa namin ni carly nya ko kailangan
Lahat nang excitement ko kanina nawala napalitan na lahat nang pagkalito
Kung saan ba ako pupunta?
Sino mas mahalaga sakin?
Yong girlfriend ko na hinihintay ako dahil first time magcecelebrate ng monthsary namin ngayon
Yong bestfriend kong umiiyak at kailangan ng kaibigan ngayon
Sa condo ng girlfriend ko?
Sa favorite place namin ng bestfreind ko?
"Aaaaaarrrrrrrhhhhhh" sigaw ko habang ginugulo ang buhok ko
Tumingin sakin yong mga tao pero wala akong paki-alam
Mas malaki pa problema ko kesa sa kahihiyan ko
Pumitlag ako
Tumatawag si carly
"Hello mahal? Handa ka na ba?" Pumikit ako sobrang saya ng boses nya
"Papunta na traffic lang" kumuyom ang mga palad ko
"Ok lang wag kang masyado magmadali nag-prepared pa naman ako, take your time mahal" sorry carly kung nagdadalawang isip pa ko ngayon
"Mahal" sabi ko may gusto akong sabihin pero ayaw lumabas sa bibig ko
"Wait lang mahal ichecheck ko lang niluluto ko i call you later" narinig ko nalang busy tone
Ano deanna yong girlfriend nagpapagod para sa monthsary nyo?
Tapos ikaw? Ano nagdadalawang isip kung sya ang pipiliin mo? Di ba dapat lang?
Pumitlag muli ako nung nagring ulit ang phone ko
"Deans please nasaan ka na ba? I need you now" tumatangis si jema sa kabilang linya
"Jema I can't" pumikit ako
"But why? Deanna naman please kahit ngayon lang kailangan kita ngayon" humagulgol na sya
Humawak ako sa batok ko
Letse
Bat nangyayari sakin to ngayon?
"Deans please hihintayin kita" huling sabi nya bago binaba ang tawag
Gusto ko ibato yong cellphone ko
Bakit ba jema!!!!!!!
Ano na namang bang problema?
Bakit ngayon pa
Bakit ko ba kailangan ko pang malito?
Si carly mahal ko
Pero kailangan ako ni jema ngayon gusto ko bumawi sakanya
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim