Jema's POV"Pasok ka muna nang makapag kape manlang hahaha" aya ko kay ara sa loob ng bahay namin
Naging close ko na agad sya unang araw ko palang sa office, senior ko sya
"I want din sana kaso may lakad pa ko sunduin nalang kita tomorrow?" Naku napapasubo na talaga ako
"No need! wag mo na gawin nakaka-abala na ko sayo nakakahiya" tanggi ko
"Naku hindi ka nakaka-abala sakin I love to do that sobrang napapasaya ako nun" kumagat labi ako hindi ko alam paano ko sya tatanggihan
"Owww shit wag mong gawin sa harap ko yan" kumunot naman noo ko sa sinabi nya
"Yong pag-kagat mo ng labi hahaha naaakit kasi ako" kumindat pa sya
"Loko ka talaga, sige na nga baka gabihin ka pa lalo" sabi ko, medjo awkward na kasi ako
3 days na nya ko hinahatid sundo hindi ko naman alam paano tumanggi nakakainis di ba?
"Ate hindi mo ba napansin si ate deanna?" Lumingon kami kay mafe kakalabas lang ng gate
"Kanina nandito sya tapos nag-paalam agad" sabi kong nagpailing sakanha
"Bakit hindi mo ko tinawag? Mag papaturo ako sa ng math eh" inikutan pa nya ko ng mata
"May gagawin pa daw sya!! mukhang nagmamadali kaya ayaw magpapigil" tinaasan naman nya ko ngayon ng kilay namumuro na to sakin
"Baka sabihin mo nagselos hay naku ako nalang pupunta sakanila" sabi nya bago tumalikod samin
"Nagselos? May gusto ba bestfriend mo sayo?" Ay putek nandito pa pala to
Hindi naman ako sumagot
"Hoy jemalyn samahan mo ko kela ate deanna" singit ulit ni mafe
"Pagod kaya ako" tinaasan ko sya ng kilay
"Pagod eh nakikipag-landian ka lang naman jan" bulong nya pero sapat na para marinig namin
Pinanglakihan ko sya ng mata
"Ah sige na jema mauna na talaga ako see you tomorrow nalang" paalam ni ara
"Ok see you tomorrow" kumaway pa ko sakanya
Sumakay naman na sya sa kotse nya ilang saglit lang umandar rin ito
Tinatanaw nalang namin ito papalayo hanggang mawala sa paningin namin
"Hay naku magpapaligaw lang din pala sa lesbian hindi nalang kay ate deanna" sinamaan ko sya ng tingin
"Hindi ako nagpapaligaw kay ara sya lang yong makulit alam mong straight ako" sabi ko
"Pero tyak hindi yon nasa isip ni ate deanna ngayon" bumuntong hininga naman ako
Kitang kita ko nga yong kirot at selos sa mga mata nya kanina
Nasaktan ko na naman sya nang hindi ko naman kagustuhan
Pagkatapos nung araw nang pag-amin nya sakin hindi ko na ulit sya nakita naging busy narin ako at alam ko iniwasan nya narin ako
Hindi ko alam na may feelings parin sya sakin akala ko si carly na talaga mahal nya
Kaya nagulat talaga ako na nagtapat na sya sakin na sinabi nya na talaga na mahal nya ko dati kasi pinaparamdam nya lang
Kaya mas lalo akong nahihirapan ngayong lumabas na mismo sa bibig nya na mahal nya ko
Hayssss deanna hindi ko na alam gagawin ko
BINABASA MO ANG
Pansamantala
FanfictionKaibigan lang bang maituturing Ang hirap naman yatang mangapa sa dilim