Chapter 8: Laban para sa Kaligtasan

125 6 0
                                    

Panibagong Araw Panibagong Haharaping Suliranin.

Gumising ako at naghanda ng Almusal. Pagka gising ko ay si Russel nalang ang kasama ko. Asan si Jude? Nagaalala ako sa kaniya kahit kahapon lang kami nagkakilala.

"Asan si Jude?" Tanong ko kay Russel na nakapagpagulat sa kaniya.

"Oo nga! Asan siya? Hahanapin ko muna siya delikado na ngayon sa labas lalo na't nagkalat ang mga Malensia!" Aalis na sana si Russel nang biglang dumating si Jude.

Nagmamadali ito at pawis na pawis.

"Jude anong nangyari sayo?" Tanong ni Russel.

"Umalis na tayo!! Paparating na ang mga Malensia at balak nila tayong patayin!" Takot na takot na sabi ni Jude. Kinuha na namin ang mga armas namin upang makipaglaban sa mga Taga Malensia.

Kinakabahan akong makipaglaban baka may makakilala sakin.

"Tara na!" Bumaba na kami at napakadaming kawal don ng aking Ina.

Tumakbo sila papalapit sa amin upang kalabanin kami.

Kinalaban namin ang mga kawal ng aking Ina.

"Prinsesa!" Sigaw ng Isa at agad ko itong sinugod at sinaksak.

Tumakbo na kami at tumakas sa mga kalaban.

"Sinong prinsesa ang tinatawag nila?" Tanong ni Jude. Patay!

"Hindi ko alam sa kanila!" Sagot ko at Tumakbo ng mabilis upang hindi na sila magtanong pa tungkol don.

Nakarating kami sa may isla at nagpasiya kaming magpahinga muna doon dahil sobrang pagod na kami at hindi na namin kaya pang tumakbo at tumakas.

"Dito muna tayo hindi ko na kaya!" Pagrereklamo ni Jude.

"Ganito nalang ba lagi? Lagi nalang tayong tatakas at lilipat ng maayos at ligtas na tirahan! Mga walang hiya talaga ang mga Malensia na yan." Galit na Sabi ni Russel.

"Ang balita ko may anak ang reyna nito... may anak silang babae." Pagbabalita ni Jude kay Russel. Bat pa niya yon sinabi?

"May Anak silang babae? Siguro ung anak nila ang magpapatuloy ng kasamaan nila!" Saad ni Russel. Hindi ako masamang tao at hindi ako kagaya ng aking Ina!

"Hindi totoo yon!" Nagulat sila nang magsalita ako ng pasigaw.

"Bakit kilala moba ang prinsesa?" Tanong ni Jude.

"Hindi pero alam kong mabuti siyang prinsesa!" Paliwanag ko at alam kong takang taka na silang dalawa.

"Paano ka naman nakasiguro e hindi mo nga siya kilala?!" naiinis na tanong ni Russel at kumuha ito ng bato at ibinato sa malayo.

Galit na Galit ito sa aming mga taga Malensia.

"Sabihin mo nga sa akin ang nangyari kung bakit ka galit sa mga taga Malensia?" Tanong ko kay Russel.

"Bata palamang ako at Ang ina ko nalamang ang nagalaga sa akin. Minahal niya ako ng Sobra pero isang Gabi sinalakay kami ng mga Malensia. Pag gising ko ay Wala na ang aking Ina kaya't lumabas ako para hanapin siya. Nakita ko ang Hari hawak hawak ang aking Ina at kasama nito ang kaniyang Asawa! Simula non kinasusuklaman ko na ang mga taga malensia! Mabuti man o Masama habang buhay ko silang magiging kaaway!" Bakas ang galit kay Russel habang kinukwento niya ang nangyari.

Ako ba ung taong Gusto niya? Paano kung malaman niya na anak ako ng Pumatay sa kaniyang Ina? Magugustuhan pa kaya niya ako?

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon