"Pwede magpahinga?"
"D ko na kaya!"
"Pagod nako!"
"Malayo paba?"
"D ba tayo kakain?"
"San na tayo!?"
"Anoba! Wala bang sasagot?" Lagi kong sabi habang naglalakbay kaming apat.
Ilang Oras na kaming naglalakad ngunit hindi namin alam kung saan kami pupunta.
Napakalayo na namin sa Malensia. Impossibleng makita pa kami ng mga Kawal ng aming kaharian.
"Manahimik kanga!" Sigaw ni Jude. Na nakapagpatigil sakin sa paglalakad.
"Pukpukin kita diyan e!" Sabi ko sabay takot sa kaniya. Natakot naman eto dahil alam neto kung paano ako makipaglaban.
Naglakad lang kami ng naglakad. Saan naba kami makakarating.
"Alam niyo ung Assassin World?" Natanong ni Christian.
"Hmm.. assassin? Un ung pangarap kong lugar!" Sabi ko naman sakaniya. Bat niya kaya nabanggit.
"Maaari tayong magtungo don." Nakangiti nitong pahayag.
"Pinagsasabi mo! Laki ng Pangarap mo." Pagtutol ni Russel. Bweset siya.
"Pwede naman ah? Magkaaway ang Malensia at Assassin World! Dahil sa hindi pagkakaunawaan at Sa pagkamatay ng aking A-- ng Hari walang kwentang kaharian." Paliwanag ko.
"Bakit andami mong alam tungkol sa Malensia?" Nagtatakang tanong ni Jude. Patay! Bweset talaga to ito pa ata ang magbubulgar sa akin. Patayin ko to ngayon eh.
"Malamang narinig ko! Tss. Bat ikaw d mo narinig ha? Gusto ko ngang puntahan ang Assassin World eh kaya nagka interest ako." Sagot ko. Hayst buti nalang madami akong naisip na paraan.
"Ang mga taga Assassin World ay iba ang Salita. May mga salita silang kakaiba at Tagalog lamang ang kanilang naiintindihan. Un lang ang alam ko sa kanila." Paliwanag ni Christian.
"Dami alam ah! Ano ka Assassin?" Pagbibirong tanong ni Russel.
"Lola ko! Alipin siya sa Assassin World. Gulat ka?" Inirapan pa ni Christian si Russel ng sabihin ito.
"Talaga? Maganda daw don ha!" Sabi ni Jude.
"Maglakbay na tayo." Utos ni Sungit Russel.
Naglakad na kami ngunit nauna sila. Masyado na silang nauuna sa akin. Pagod na pagod na kasi ako.
Napasigaw nalang ako ng matapilok ako. Napakasakit!
"Masha!" Sigaw nilang tatlo. Agad na tumakbo si Russel.
"Ok kalang?" Tanong ni Russel.
"Napakasakit!" Sabi ko sabay turo sa paa kong walang kwenta.
Nagulat ako ng buhatin ako ni Russel. Nasa likod ako nito at buhat buhat niya ako.
"Ok kana?" Tanong ni Russel bakas dito ang pagaalala.
"Baka mahirapan ka?" Tanong ko kay Russel. Nagaalala din ako sa kaniya.
"Kaya ko ito." Sabi ni Russel.
"Kapag napagod si russel kami naman bubuhat sayo Masha." Sabi ni Jude at sumangayon silang tatlo.
Nakita ko si Christian na panat tingin sa amin ni Russel. Nagaalala kaya yon? Ano naman kayang problema ng lalaking yon?
Salamat at nandito si Russel! Kung hindi, d ko na alam gagawin ko.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantasy(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.