Chapter 22: Bagong Mga Kaibigan

90 4 0
                                    

"ANG PUESTORIA NIYO." Sabi ng isang batang maliit.

"Puestoria?" Tanong ko. Ano yun? Anong ibig sabihin non?

Puestoria: Magandang Babae/Lalaki

"Hindi ka taga dito Sapagkat ngayon ko lang nakita ang Kay Ganda mong Mukha." Dagdag pa niya. Hawak ko ang kamay ni Russel.

"Anong Pangalan mong Bata ka?" Tanong ko sa batang kausap namin.

"Bata? Ako? Eh para ngang mas matanda ako sayo!" nainis nitong saad.

"Huh? Uhmmm.. ako nga pala si Masha." Sabi ko.

"Hi Masha." Sabi ng isang batang lalaking lumapit sa amin.

"Uhm hi."

"Ako si Harith.. at ito ang nagiisa kong minamahal, Siya si Nana." Sabi ni Harith.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Nana.

"Gusto sana naming Tumira dito kaso.."

"Masaya yon!" Sabi ni Nana.

"Kaso ayaw ng Prinsesa."

"Mabait ang Prinsesa! Impossibleng hindi kayo dito patirahin."

"may dahilan kami kung bat ayaw niya kami ditong patirahin." Sabi ko kay Nana.

"Ano?" Sabay sabay nilang tanong maging si Russel.

"Personal ko nayon." Sagot ko.

"Personal? Kakaiba ang Salita mo hindi ka galing dito." Nagtakang tanong ni Nana.

"Hindi, sapagkat galing kami sa ibang Mundo." Sabi ko na ikinamangha nila.

"Ate Masha! Samahan moko." Hinatak ako ni Nana habang hinatak naman ni Harith si Russel.

Pinaupo ako sa isang upuan ni Nana at sinuklayan.

"Papagandahin kita." Sabi ni Nana. Papagandahin?

Nakatulog ako sa ginagawa sa akin ni Nana. Nakakaantok naman kasi eh!

Nagising ako ng matapos si Nana sa Ginagawa niya. Tumayo ako at humarap sa salamin.

Ang buhok ko ay nakatrintas at nakamakeup ako ngayon.

"Magbihis kana Ate Masha." Tinuro ni Nana ang isang Damit na kay ganda at sinuot ko na ito

" Tinuro ni Nana ang isang Damit na kay ganda at sinuot ko na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda mo ate Masha. Bagay sayo. Tara't puntahan na natin ang nobyo mo" sabi ni nana. Nobyo?

"Sinong Nobyo?" Tanong ko.

"Si kuya Russel!" Sabi nito at hinila na ako pabalik kina Russel at Christian.

Medyo nahiya ako magpakita sa kanila dahil sa magandang ayos ko.

Nakita ko si Russel, Christian at Jude na napanganga.

"Bakit? Panget ba?" Tanong ko sa kanila.

"Asan si Masha? Ilabas niyo siya!" OA na sigaw ni Jude.

"Lakas mo talaga mangasar noh!" Sabi ko sabay Binatukan siya.

"Aray!" Sigaw niya at hinawakan ang kaniyang batok.

"Bagay sayo! Ang ganda mo." Sabi ni Christian na ikinakilig ko.

Ayieee. HAHAHAHAHA

"Tss. Ampanget!" Inirapan ako ni Russel kaya't tinignan ko ito ng masama.

"Ehh gusto mo lang siya eh." Pangaasar ni Harith at Nana kay Russel.

"Tss. Panget ako dibaaa! Pwes mas panget ka!" Pikon kong sabi kay Russel.

"Oh talaga!" Tumayo pa si Russel saka hinulog ang bag ko sa lapag.

Anong nangyayari sa kaniya?

Napatahimik ang lahat sa kaniyang ginawa. Pati ako napatulala.

Ang bilis niyang magalit! Maliit na bagay nagagalit na agad siya!.

tumayo si Christian at iniabot ang bag ko sa akin.

"Selos lang yon." Natatawang sabi ni Christian habang ako ay nakatulala pa din.

Inakbayan ako ni Christian at nagpaalam na kami kina Nana na magpapahinga na kami.

ANO BANG NANGYARI SA LALAKING YON? WALANG MODO! NAKAKAINIS.


♢♢♢

|Teaser|

Paalam na Assassin World... Sana sa Pagbalik namin sa mundo namin ay magbabago na ang lahat!

"Paalam!" Sigaw nilang lahat sa amin.

Hindi namin inaasahan na sa pagbalik namin sa Mundo namin ay May Mga Kapahamakan ang Naghihintay sa amin.

"Ahhh.."

"Wag mo kaming iwan pakiusap."

"MAHAL KITA. PROTEKTAHAN MO SARILI MO."

"Hindiiiii. Paghihigantihan kita. Pangako ko yan sayo."

Sabi nga nila,

                     "ang saya ay may kapalit na lungkot"

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon