"Christian. Saan kana ngayon pupunta?" Tanong ko kay Christian
"Kahit saan." Sagot nito sa amin.
"Sumama ka nalang samin." Sabi ko na ikinasimangot ni Russel.
"Isasama moyang masamang taong iyan!" Pagtutol ni Russel.
"Hindi siya masamang tao! Ilang beses na niya akong iniligtas!" Sigaw ko kay Russel para malaman niyang mali ang pagkilala niya kay Christian.
"Sige Sasama ako." Sagot ni christian na ikinasaya ko.
"Tss." Rinig ko kay Russel.
"Bago iyan magbati muna kayong dalawa." Sabi ni Jude at ngumiti kay Russel na parang nangaasar.
"Tamang ideya iyon! Magkamay kayo!" Utos ko sa kanila.
"Fine! Sorry. " Inis na sabi ni Russel at saka inilapat ang kaniyang kamay kay Christian.
"Tara na." Sabi ni Jude. Naglakbay na kami at nagstay muna malapit sa Dagat.
Mag gagabi narin kasi kaya dito muna kaming Apat.
Nagsiga ng kahoy ang tatlong lalaki. Hindi padin maalis sa dalawa ang masamang tingin nila sa isa't isa.
Natatawa nalamang ako kapag nakikita ko ang dalawang ito.
Nagihaw na sila ng Manok na nahuli namin habang naglalakbay kami.
"Ang sarap!" Sabi ni Jude habang iniihaw ang Manok.
"Alam niyo ang Swerte niyo. Kasi May mga kasama pa kayo! Kayong tatlo magkakasama. Samantalang ako simula bata e wala ng kasama." Sabi ni Christian na ikinalungkot ko.
"E ano ngayon?" Pagaasar na tanong ni Russel.
"Ngayon kami na ang kasama mo Christian." Pagpapalakas ko ng loob niya.
"Salamat Masha. At patawad nga pala Russel sa mga kasalanan ko sayo." Paghingi ng tawad ni Christian.
"Wala iyon! Binibiro lang kita." Sabi ni Russel at niyakap si Christian.
Tumawa lang kami at masayang kumain. Hay salamat at nagkabati na ang dalawang ito.
Mas masaya pa silang kasama kahit ganito kami.. walang tirahan. Kesa naman sa palasyo, malaki nga ngunit puro kalungkutan ang Dala sa akin.
Mahal ko silang tatlo para ko na silang Kapatid kaya't napakasaya ko ng Makilala sila.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantasy(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.