Chapter 19: Pagmamahalan

95 4 0
                                    

"Mahal kita Masha! Mahal na mahal kahit na alam kong si Christian ung minamahal mo" sabi niya kaya't mas lalo pa akong umiyak.

Naguguluhan nako, hindi ko na alam ang aking gagawin. Bakit ba ganito? Napakahirap pumili lalo na't parehas mo silang mahal at ayaw mong may masasaktan sa kanila.

"Russel umamin sa akin si Christian na Mahal niya ko.." kumalas ang pagkakayakap sa akin ni Russel at Tinitigan ako.

"Ngunit.." putol kong sabi..

"Swerte naman niya." Sagot ni Russel ng hindi alam ang lahat.

"Pwede bang patapusin mo muna ako!" Inis kong sabi. Sabag ng sabat kasi pisti. Natawa lang ito sa sinabi ko. Ang cute niya Promise!

"Sinabi kong mahal ko siya ngunit hanggang kaibigan lang." Kumuha muna ako ng hangin at huminga bago sabihin sa kaniya ang lahat.

"Kasi Russel hindi siya ang tinitibok nito." Sabi ko sabay turo sa aking Puso.

"Kung hindi siya eh sino?" Tanong ni Russel.

"Do you want to know?" Tanong ko naman at halata sa kaniya ang pagkainis sapagkat napakatagal kong sabihin.

"Malamang!" Sigaw nito at naiinis na. Hinawakan ko ang pisnge nito.

Hinalikan ko ang Noo nito at sa Ilong hanggang bumaba sa kaniyang labi. Pangalawang beses na ito na Hinalikan ko ang taong mahal ko.

"Ikaw.. Russel! Mahal na Mahal din kita. Hinding hindi kita kayang ipagpalit." Sambit ko at Tumayo ako kasabay niya.

Niyakap nito ako ng mahigpit at saka Hinalikan. I love him so much! Yes He hates us pero hinding hindi na niya malalaman na Isa akong Malensia.

"Tayo na?" Tanong ni Russel at bakas dito ang sobrang saya. Sana ganito kalang lagi kasaya.

"Hindi may sinabi ako?" Pagbibiro ko at nagbangga ang kilay nito. Napakasunget talaga.

"Ano?!" Galit nitong tanong. "Fine!" Maikli niyang tugon.

"Joke lang! Ito naman hindi mabiro! Alam mo namang mahal kita diba. Kaya tayo na." Sabi ko at niyakap siya.

"Huwag mokong yakapin!" Sabi nito at tinanggal ang pagkakayakap ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. Nagtampo?

Tumalikod ito sa aki kaya't niyakap ko ulit to patalikod.

"Russel! Sorry na. Nagbibiro lang ako eh. Grabe ka naman." Sabi ko at saka ito Humarap sa akin at niyakap ako pabalik.

"Goodgirl. Tara na maglalakbay pa tayo sa Assassin World."

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon