"Ok kalang?" Tanong ni Christian kaya't napatingin ako dito. Tumabi siya sa akin.
"Hindi ko maintindihan si Russel! Bakit ganiyan ugali ng lalaking yan."
"Intindihin mo nalang siya. May pinagdadaanan eh."
"Ako nga malaki pinagdadaanan pero hindi ako ganyan."
"Ano pinagdadaanan mo?"
"Basta."
"Bakit basta? Kala ko kaibigan tayo."
"Sisiguraduhin mo bang hindi mo sasabihin kahit kanino?"
Pinagkakatiwalaan ko si Christian. Kailangan ko bang sabihin sa kaniya ang katotohanan?
"Sabi mo eh. Sabihin mo lang saken sikreto mo at hinding hindi ko iyon sasabihin." Nakangiti nitong sambit.
"Mapagkakatiwalaan kaba?" Tanong ko.
"Mapagkakatiwalaan pa kesa sa Diary mo." Napatawa niya ako sa sinabi niya.
"Lalo na kay Russel." Nanlaki mata niya sa sinabi ko.
"Ano bayon?"
"Napansin mo ba na lagi kong pinagtatanggol ang Malensia."
"Oo lagi! Hahahaha"
"Kasi..."
"WAG MONG SABIHIN NA ISA KANG MALENSIA?" Agad kong tinakpan bunganga ni Christian. Nakatitig ito sa mata ko.
"Hindi lang basta basta Malensia... kundi ako ay ang Prinsesa ng Malensia." Nagulat siya sa sinabi ko at natawa.
"Huwag mo nga akong pinagloloko."
"Sa tingin mo nagloloko ako?"
Seryoso akong tumingin sa kaniya at inilabas ko ang panyo ko na may tatak na Malensia.
Pinakita ko din ang larawan namin ng aking Ina at Ama na ikinapaniwala niya.
"Totoo nga."
"Wag na wag mo sasabihin lalo na kay Russel!" Madiin kong sabi at tumayo na.
Pumunta ako sa kinaroroonan ni Russel.
Niyakap ko ito ng mahigpit na alam kong ikinagulat niya.
"B-bakit?" Nauutal niyang tanong.
"Mahal lang kita." Sagot ko. Nakatingin kami parehas sa malapit na Gubat. Ito na ang Malensia.
"Andito na tayo. Panibagong tatahakin nanamang suliranin."
"Basta kasama kita Russel! Hinding hindi ako matatakot."
Teaser
May magmamaalam..... HANDA NABA KAYONG UMIYAK SA KANIYANG PAGMAMAALAM.
Handa ba kayong magsakripisyo para sa mahal mo gaya ng ginawa niya?
ABANGAN....
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantasy(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.