Nakababa na kaming tatlo sa Malensia nang may biglang Sumalubong sa aming Sandamak-mak na kawal... pinapahanap nanga ako. Bawal nila ako makuha sapagkat dadalhin nila ako sa aking Ina.
"ANG PRINNSESA!" Sigaw ng isa sa kanila. Nagkatinginan kaming apat at inihanda ang aming sandata.
Agad ko silang Sinugod. Marami sila ngunit kailangan kong labanan.
"Ahhhh." Sigaw ko sabay saksak sa isa.
"WALA NG PRINSESA! MATAGAL NA SIYANG PATAY... HUWAG NIYO NA HANAPIN." Sigaw ko sabay sugod sa dalawa at pinagsasaksak ko.
Nagkadikit kami ng likod ni Russel habang pinapaligiran kami ng mga kaaway.
"Magiingat ka mahal ko." Bulong ni Russel.
"Magingat kadin." Sagot ko at sabay kaming sumugod sa magkaibang Direksyon.
Habang kinakalaban ko ang Dalawa ay hindi ko nalaman na may Kalaban sa Likod ko.
Nasaksak ako nito sa Likod.
"AHHHH." sigaw ko dahil sa sakit. Sinaksak ko muna ang dalawang kalaban ko bago ko harapin ung sumaksak sa akin.
Sasaksakin na sana ako nito ngunit naunahan ko siya kaya't ako ang nagtagumpay.
Napaluhod ako sa Sakit.
Ito naba katapusan ko? Napakasakit hindi ko na kayang lumaban pa.
Binuhat ako ni Russel at dinala sa Gilid.
"Dito kalang papagalingin ka namin mamaya." Sabi sa akin ni Russel. Babalik na sana siya ngunit hinawakan ko ang kamay niya.
"Madami sila. Hindi niyo sila kaya." Sagot ko sa kaniya.
"Kakayanin ko para sayo." Sabi niya at saka bumalik na para makipaglaban.
Pinilit kong tumayo upang tumulong sa kanila. Kahit masakit para sa kaligtasan namin tong lahat.
Kinuha ko ang Sandata ko at Itinira ito sa mga kalaban na makikita ko.
Mayroon akong nakalaban na isang Kawal.
"Ikaw ang Prinsesa!" Sabi nito sa akin kaya't tinignan ko ito ng masama.
"Patay na ang Prinsesa huwag mo nang hanapin." Sabi ko naman.
"Kailangan itong malaman ng Reyna." Pananakot niya sa akin kaya't pinagsasaksak ko ito.
Wala na nga ang Prinsesa! Ako si Masha at hindi ako isang Prinsesa! Tandaan niyo yan.
Nakita ko si Jude na may nakaabang sa likod niya kaya't agad kong sinaksak ang sana'y kikitil ng kaniyang buhay.
"Masha! Kaya na namin to." Sabi sa akin ni Jude na parang hinang hina na ito.
"HINDI PWEDE. MAGKASAMA TAYONG LUMABAN! MAGKASAMA DIN TAYONG MAMAMATAY." Sambit ko at saka sumugod ulit sa mga kalaban.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantasy(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.