Nagliligpit kami ng Gamit ngayon sapagkat.... kami'y lilisan na dito sa Magandang Mundong ito. Aalis na kami at babalik sa Mundong Nakakatakot at walang kasiguraduhan kung kami ba ay maliligtas.
"Bakit kaya nagkalat na ang mga Malensia?" Tanong ni Jude sa amin na ikinatahimik naming lahat.
"Dahil nawawala ang Prinsesa ng Malensia." Sagot naman ni Christian kay Jude.
AKO? AKO ANG MAY DAHILAN NG LAHAT NG ITO? AKO ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT NAGKAKAGANITO BUHAY NILA.
"Sana Huwag na mahanap ang Anak ng Reyna at Hari na Walang Kwenta! Sana mamatay na ung Prinsesa!!!! Para naman maranasan nila ang Mawalan ng mahal sa buhay." Galit na Sambit ni Russel. Nakasara ang kamay nito, bakas ang pagkagalit nito sa amin.
"Huwag namang ganon." Pagtatanggol ko kaya't nakatanggap ako ng sigaw mula kay Russel.
"HUWAG? bakit ha? Naranasan mo ba naranasan ko? NARANASAN MO BA UNG SAKET NA NARAMDAMAN KO? hindi diba?" Sigaw niya na ikinagulat ko. Naramdaman kong may tumulong luha sa aking mata.
Nakatitig lamang sa amin si Jude at Christian na parang nagulat sa nangyari.
"Nawalan din ako ng Tatay... pero hindi ko inisip maghiganti!" Mahinahon kong sabi kay Russel. Hindi kami Ok!
"D mo kasi ako naiintindihan!" Tumayo ito at Kinuha ang gamit saka Lumabas.
Kinuha nadin namin ang Gamit namin. Madaming pinabaon sakin si Prinsesa Atasha na mga Damit at Pagkain.. maging si Nana ay binigyan kami ng Pagkain.
"Paalam!" Pagpapaalam ko kay prinsesa Atasha. Lumapit ito sa akin.
"Bumalik kana sa Malensia.. sa kaharian niyo. Pinaghahanap kana ng iyong ina." Bulong ng Prinsesa. Kinalibutan ako sa sinabi niya.
Sumakay na kami sa Isang Malaking Barko. Kumakaway ako upang magpaalam sa kanila.
"BYE NANA." sigaw ko. Nakita kong umiiyak si Nana.
"Bye Ate Masha." Sigaw ni Nana na naririnig ko pa.
Nawala na sila sa Paningin ko sapagkat nakalayo na kami sa Assassin World.
Tinitignan ko si Russel na hanggang ngayon ayaw ako kausapin.
Galit pa din siya. Ako nanga ung nasigawan sakin pa nagalit.
Kailangan ko lang naman pagtanggol sarili ko eh!
Paano ko kaya sasabihin kay Russel na ako yung Prinsesa ng mga Malensia?.
Bahala na... susulitin ko muna tong panahong kasama ko pa ung taong mahal ko bago tuluyan kaming maghiwalay at Magbago.
MAHAL NA MAHAL KITA RUSSEL KAHIT NA GALIT NA GALIT KA SAKEN.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantasy(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.