Chapter 9: Balita

116 7 0
                                    

Aime's Point of View

Isa akong Alipin dito sa Malensia at napakatagal na akong alipin dito magsimula ng ipanganak ang Prinsesang Kresha hanggang sa Mamatay ang Hari.

Lahat Alam ko.. Lahat ng tungkol sa kanilang pamilya! Alam ko din kung bakit pinaslang ng Reyna ang kaniyang Hari at alam ko din kung bakit Araw Araw pinapasok ng Reyna ang mga kuta ng ibang dayo.

Lahat Alam ko pero hindi ako maaaring magsalita sapagkat ako'y papaslangin ng Reyna! Ngunit kapag nagtagpo kami ng aking alagang si Kresha. Lahat lahat ay sasabihin ko sa kaniya.

Handa na akong magsalita kay Kresha. Handa nakong aminin sa kaniya ang lahat.

"Mahal na Reyna may balita po kami galing sa mga sumugod sa Kuta!" Sabi ng isang Kawal sa Reyna.

"Ano yon?" Tanong ng reyna.

"Ang inyong anak!"

"Si kresha? Bakit? Anong meron?" Si Kresha!! Anong balita sa aking Alaga?

"Natagpuan siya sa may kuta at nakikipaglaban ito sa mga kakampi natin." Nagulat ako sa sinabi ng kawal.

"Lapastangang Prinsesa! Hanapin niyo siya at dalhin niyo siya sa akin!" Sigaw ng Reyna.

"Mahal na Reyna sasama ako sa paghahanap sa aking Alaga." Pagrerepresenta ko.

"Bahala ka sa buhay mo! Basta hanapin niyo siya ngayon na!!" Agad kaming kumilos at naglakbay papuntang kuta ng mga dayo.

Sana mahanap ko ang aking alaga at sasabihin ko lahat ng nalalaman ko sa kaniya. Sana maunahan ko ang mga kawal bago nila mahanap si kresha. Kailangan na niya malaman ang lahat.

Hindi pwedeng ilihim ito ng panghabang buhay kay Kresha.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon