Chapter 30: Ang Katotohanan

95 4 0
                                    

Iniwan nadin ako ni Russel.. lahat nalang sila nagagawang iwan ako.

Ano bang mali saken dahil ba Prinsesa ako? Kaya't ayaw nila sa aken. Hayst.

"Anong Pangalan ng lalaking yon?" Tanong ni Nanay Aime.

"Siya po ung taong Mahal ko. Siya po ung taong galit na galit sa Magulang ko at maging saken.. siya po si Russel." Nakita kong nanlaki ang mata ni Nanay Aime. "Bakit po?"

"Ru-ss-el." Putol putol niyang sabi.

"Bakit po?"

"May kailangan kang Malaman."

"Ano po yon?"

"Hindi ka Tunay na Prinsesa." Naguguluhan na ako! Ano sinasabi ni Nanay Aime.

"Ano pong ibig niyong sabihin."

"Isang Gabi, ang papa mo ay umuwi ng luhaan.. dahil nalaman niyang wala ng buhay ang kaniyang minamahal na babae.. hindi nadin niya mahanap ang nawawala nilang anak na lalaki. Dahil sa Galit ng iyong Ama Kresha... pumunta ito sa kwarto mo at tinangka kang patayin. Ngunit nagising ang Mama mo at nabigla.. kaya hindi nito sinasadyang Masaksak ang Papa mo." Paliwanag ni Nanay Aime na dahilan ng pagbagsak ng tubig mula sa aking Mata.

"Hindi po totoo yan! Mahal po ako ni Papa!." Sabi ko habang humahagulgol sa iyak.

Hindi magagawa sa akin yon ni Papa! Minahal niya ako! Mahal na mahal ako non.

"Nalaman ng Papa mo... na Hindi ka niya tunay na anak. Dahil Anak ka ng Mama mo sa isang Kawal.. pinakasalanan lamang ng papa mo ang mama mo kasi ang alam niya ay may anak sila. Ngunit niloko ito ng Mama mo."

"Hindi ako tunay na Prinsesa? Hindi ako anak ni Papa."

Sana Panaginip lamang ang lahat ng iyon! Sana mabalik ung masasayang ginagawa namin ni Papa.

"Nung mapakasalan niya ang Mama mo ay huli na ng malaman niyang may anak sila ng babaeng minamahal niya. Un ung binigyan niya ng pansin. Ngunit pinapatay ito ng iyong Ina."

"Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari."

Sana pinatay nalang ako ni Papa! Para hindi ko na maranasan itong Saket na to.

"Buhay siya. Buhay ang iyong kapatid."

"Kapatid po? Hindi kami magkapatid! Kasi hindi ko naman tunay na Ama si Papa. Kaya wala nakong pakielam sa Tunay na anak ng Papa ko."

"Siya ang nararapat mamuno."

"Wala kong pake sa kanila."

"Meron!" Sigaw ni nanay Aime. "Siya ang dapat maging Hari! At mamuno sa Malensia.... kailangan niya malaman na siya ang tunay na Anak ng Hari. Kailangan niyang pabaguhin ang Malensia. Hindi pwedeng wala kalang pake! Kasi meron.. kasi nakilala mo na ang tunay na tagapagmana."

"Anong ibig niyong sabihin?"

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon