Russel Point of View:
"Mabuhay ang Hari ng Malensia!" Sigaw ng isang Kawal. "MABUHAY!" sigaw nilang lahat. Ako ay nagagalak ng makuha ko ang nararapat sa akin at tapos na din ang problema dito.
"Kailangan na naming bumalik sa Assassin world Hari. Ako'y nagagalak sa yo." Sabi ng Reyna ng mga Assassin.
"Salamat sayo." Niyakap ko ito dahil sa tuwa at lumisan na sila ng kaniyang anak.
"Kresha." Tawag ko sa aking minahamahal.
"Haring Russel, Maghahanda lang kami para sa kasiyahan na magaganap mamaya dahil sa pagwawagi mo." Sabi nito at tinalikuran ako ngunit niyakap ko ito patalikod.
"Mahal na Mahal kita." Wika ko.
"Hindi mo pwedeng mahalin ang babaeng kaaway mo." Sagot nito at tinanggal ang mga kamay ko na nakayakap sa kaniya.
Anong nangyayari kay Kresha? Tila Siya ay galit sa akin.
Ako'y umupo sa aking trono at huminga ng malalim.
AMA! nagwagi ako, nabawi ko ang trono mo. INA! Sana ay Proud ka sakin ngayon.
May narinig akong putok kaya tumingin ako sa bitna.
Napakaganda! Mga kulay sa kalangitan na sumasabog. ANG GANDAA. Ngayon na lamang ako nakakita ng mga ganito.
"Russel." Napatingin ako sa kaniya. Si Kresha.
"Kresha Ano yun?" Tanong ko.
"Wala!" Tinabihan ako nito.
"Ang ganda noh?" Tanong ko sa kaniya at tumingin ako kay Kresha.
"Napakaganda nga Haring Russel." Tugon nito.
"Kresha!" Hinawakan ko ang kaniyang mukha.
"Paumanhin madami pa akong gagawin!" Sabi niya at inalis ang kamay ko sa mukha niya. Iniwan na ako nito.
"Pakasalan mo na kaya ang Prinsesa ng maging Reyna nadin siya." Sabi ng isang kawal.
MAGANDANG IDEYA!
Inutusan ko ang isang kawal na bumili ng Singsing na SOBRANG GANDA at tiyak na magugustuhan ni Kresha.
Pag balik niya ay binigay na niya ang singsing. Bagay na bagay to sa aking minamahal.
•~•~•~•~•~•
Kresha Point of View:
Hindi ko alam kung bakit ko siya nilalayuan kahit na alam ko sa sarili ko na Mahal na Mahal ko siya.
Siguro tama nga na Layuan ko siya sa dami ng atraso ng aking ina kay Russel.
Nagulat ako ng pumwesto ang mga kawal sa gilid at may mga dalang bulaklak.
"Anong nangyayari dito?!" Tanong ko sakanila at lumabas si Russel.
Naglakad siya sa mga gitna ng mga kawal na ito na may dalang napakadaming bulaklak.
"Para sayo." Sabi nito at tinanggap ko ang bulaklak.
Lumuhod ito.
Nagulat ako ng lumuhod sa akin ang hari.
Nilabas niya ang sing sing na ito
"Mahal ko, Ako'y Pakasalan mo. Handa akong mahalin ka at alagaan habang buhay." Wika nito.
Hindi ko na napigilan ang luha sa aking mata. Niyakap ko si Russel at tumayo na ito.
"Oo pumapayag ako!" Sambit ko at sinuot nito ang singsing.
"Mahal na Mahal kita." Sabi niya, niyakap niya ko ng mahigpit.
"Mahal na Mahal din kita."
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantasy(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.