Chapter 16: Paglalakbay tungo sa ibang Mundo

99 4 0
                                    

Saan naba kami magtutungo? Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang ba kaming nasa kapahamakan? Hindi naba ito matatapos.

Nalulungkot ako para kay Russel dahil kakagaling niya lang sa sakit at heto na naman kaming Apat at naglalakbay.

"May pupuntahan na tayo." Masayang Sabi ni Russel na ikinagulat namin.

"Saan?" Tanong ni Jude at mukhang masaya sa sinabi ni Russel.

"Saan tayo pupunta? Baka kapahamakan nanaman yan ha!" Sabi ko sa kanila. Lagi naman kaming napapahamak kaya sana na ako.

"Sa Assassin World" sagot ni Russel saming Tatlo.

"HUH!" gulat na sabi naming tatlo.

"Diba yon ung pangarap mo Masha? Pupunta tayo don at makikiusap tayo sa Reyna na Patirahin tayo don sapagkat wala na tayong matitirhan pa." Paliwanag ni Russel.

Assassin World? Ang kalaban ng aking Ina. Kilala nila akong lahat don kaya't kapag nakita ako ng Reyna ay tiyak na magugulat ito, at sasabihin pa nito sa aking kasama kung sino talaga ako. Ayokong mangyari yon!

"Dati yon! Ayaw ko na ngayon!" Pagtutol ko na ikinagulat nila.

"Yon nalang ang ligtas na lugar Masha! Ano bang pumasok sa isip mo at nasabi mo yan." pagsaway sa akin ni Jude. Hindi mo kasi alam kaya nasasabi mo ang bagay na yan.

"Edi kayo pumunta! Tss. D ko naman sinasabing isama niyo ako." Sabi ko sa kanila at lumakad nako palayo sa kanila. Naramdaman ko na hindi na ito sumusunod sa akin kaya't pumatak na ang luha sa mga mata ko.

Gustong gusto ko sumama ngunit anong Magagawa ko? Hindi nila pwede malaman ang totoo. Ayaw kong Magalit sila sa akin sapagkat ako'y naglihim.

Naramdaman kong may humawak sa Kamay ko na nakapagpatigil sa akin... si Russel.

"pagsasabihan mo din ba ako?" Malungkot kong tanong sa kaniya.

"Alam kong tinatago mo na Prinsesa ka kaya't ayaw mong pumunta sa Assassin World. Huwag kang magalala may damit ako diyan sa Bag na pwede mong itakip sayo upang hindi ka makilala." Nagulat ako sa sinabi nu Russel at agad ko itong Niyakap.

Laking pasasalamat ko kay Russel at siya ang nakasama ko sa Buhay kong ito.

Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama siya habang buhay.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon