Russel Point of View:
Nakapasok na kami ni Jude sa palasyo at agad kaming nagtago upang hindi kami mahuli ng mga alagad ng walang kwentang reyna.
"Si Masha!" Bulong ni Jude sa akin at kitang kita ko ang pagdakip nila kay Masha.
"Kailangan ko siya iligtas Jude!" Sabi ko sa aking pinsan.
"Iligtas mo na siya! Ako na bahala sa Reyna!" Sabi sa akin ni Jude.
"Anong Sinasabi mo?" Nagtataka kong tanong.
Nagulat ako ng tumakbo si Jude sa harapan at tumawa.
"Sino ka?!!" Sigaw ng Reyna sa kaniya.
"May nagpadala sa akin dito." Sabi ni Jude.. sinundan ko ang kawal na kumuha kay Masha at iniwan ko si Jude.
Babalikan kita Jude aking pinsan! Maraming salamat sa lahat. Kaibigan talaga kita at hindi moko iniwan sa lahat ng bagay.
Onti lang ang kawal sa kulungang ito at medjo madilim sa lugar na ito dahil onti lang ang mga nakasabit na kandila.
Nakita ko si Masha! Umiiyak ito at may dalawang kawal ang nakabantay sa kaniya. Ang isang kawal ay hawak hawak ang susi sa kulungan nito.
Hinawakan ko na ang aking Spada at sinugod ang dalawang kawal agad ko itong napatay dahil mga wala silang kwenta.
Nakuha ko ang Susi at agad na pinakawalan si Masha.
"Russel! Bumalik ka! Niligtas moko." Sabi ni Masha/Kresha.
"Hinding hindi ko hahayaan ang aking Prinsesa na mapahamak." Sabi ko at niyakap ko ito ng mahigpit.
"Madami akong sasabihin." Sabi nito.
"Alam ko na ang lahat! Iligtas na natin si Jude nasa pahamak siya." Bulong ko at hinawakan ko ang kamay niya saka ko hinila pabalik sa Trono.
Nagmasid muna kami at nakita ko si Jude na hawak ng dalawang kawal.
"Hinding hindi ka magtatagumpay sa pinsan ko!" Sigaw ni Jude.
"AHHHHH" sigaw ng reyna at sinaksak sa aking pinsan ang kutsilyo na hawak neto. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita at nabuo ang mga luha ko rito.
"JUDEEE!" sigaw ni kresha.
"AGHHHHH!" sinugod ko sila sa galit ko at sumugod nadin si kresha.
"Jude lumaban ka!" Sigaw ko kay Jude.
"Russel, bawiin mo ang trono. Mahal kita aking Abute. Paalam" huling sabi neto bago siya tuluyang pumikit at mawalan ng buhay.
Abute: Pinsan
"Hindiii!" Sigaw ko habang sinasaksak ang mga kawal.
"AKO SI RUSSEL AT ANAK AKO NG DATI NIYONG HARI! AKO ANG TUNAY NA TAGAPAGMANA. SIYA! SIYA ANG PUMATAYA SA HARI UPANG HINDI NIYO MALAMAN NA AKO ANG TUNAY NA TAGAPAGMANA! MAKINIG KAYO SAKENNN!" Sigaw ko sakanila at tuluyan silang napatigil sa pag laban.
"Totoo ung sinabi niya!" sigaw naman ni kresha.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantastik(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.