Chapter 17: PagAmin ng Nararamadaman

101 4 0
                                    

Nagpahinga muna kami sapagkat napakalayo pa ng lalakbayin namin.

"ang ganda noh!" Sabi ko sa kanila habang nakatingin ako sa mga Bituin sa langit.

Kumakain kami ngayon ng mga prutas na nakuha namin kanina habang nanonood kami ng mga Bituin na kay ganda sa langit.

"Masha.." Pagtawag sa akin ni Russel kaya't nilingon ko ito.

"Ano yon?" Tanong ko sa kaniya at mukhang namumutla ito at ayaw sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Ok kalang?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Nga pala." Patigil tigil nitong Sabi.

"Ano?" Naiirita kong tanong. Aba nakakapagod ding magsalita piste.

"Kasii ganito.." Naputol nanaman niyang sasabihin.

Inirapan ko ito at lumingon na ulit sa mga Bituin.

"Masha... sana makasama pa kita ng matagal." Sabi nito. Ito na yong sasabihin niya na d niya masabi?.

"Tss." Sagot ko at kumain nalang. Nabadtrip ako sa pinagsasabi ng lalaking yon.

Ahhrrgggggg ayoko kasi isipin ung panahong magkakahiwalay kami tapos pinaalala niya pa! Nakakabadtrip HA!

Tumayo ako at lumayo muna sa kanila. Gusto kong mapagisa. Gusto ko munang isipin ang lahat ng mga nangyari.

"ang lalim ng iniisip mo ha" sabi ni Christian at tumabi ito sa akin.

"Kasing lalim ng Ilog nayan!" Sagot ko at natawa naman siya habang ako ay nakasimangot.

Wala ako sa Mood makipagtawanan.

"Mas malalim nararamdaman ko sayo." Mahina pero rinig na rinig kong sabi niya.

"Ano?" Pagkunwari kong hindi narinig.

"Sabi ko Malalim tagal yang Ilog. Bingi kanaba?" Pangaasar nito at lalo pa itong natawa. Tinignan ko naman ito ng masama.

Tss. Nababatrip na naman ako! Huwag ngayon Christian baka masapak kita.

"Ito naman hindi mabiro." Sabi niya.

"Hindi ako nakikipagbiruan!"

"Gagalit si Mrs. Bituin."

"Anong Mrs. Bituin? Hahahahaha maganda bako kagaya ng mga Bituin sa langit?"

"Mas maganda kapa sa mga bituin." Sagot nito na ikinagulat ko. Tinignan ko ito at nakatingin siya sa akin na nakangiti.

Naalala ko nung unang pagkikita namin at ung time na Hinalikan niya ako.

Hinalikan ako ng malambot niyang labi. Siya ung First Crush ko. Napakagwapo ng ngiti niya at napakabait niya, Hindi siya mainitin ang ulo.

"Christian." Hindi ko alam kung bakit ko siya natawag.

"Ano yon?" Tanong nito ngunit nakatingin siya sa mga bituin.

"Salamat sa lahat!" Sambit ko kaya't tumingin na ito sa akin.

"Saan?" Tanong niya.

"Basta sa lahat! Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa mo para sa akin."

"Masha.." mahina niyang tawag sa akin.

"Bakit Christian?"

Tumayo ito at tumayo narin ako. Humarap siya sa akin at kinuha ang aking kamay.

"Masha.... i really really Likes you and I love you kahit na alam kong may Iba nang tinitibok ang Puso mo." Sabi niya na nakapagpalaki ng mata ko at nakapagpakilig sa akin.

My First crush likes me? Really? I can't beleive.

"Christian." Napatigil ako ng sabay kaming napatingin ni christian sa gilid namin.

Si Russel! Nakatayo.

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon