Hindi padin ako Makapaniwala sa Nangyari kagabi. Totoo ba talaga yon o panaginip lang?.
Nagtapat ako ng damdamin sa isang lalaking hindi ko alam kung tunay ba ang nararamdaman ko sa kaniya.
Nakatulala padin ako at iniisip mga nangyari sa amin. Asan pala si Russel? Pag gising ko Wala na siya dito.
Bumaba na ako at andun siya ngunit may kasama itong lalaki.
"Hello Binibini." Pagbati sa akin ng isang lalaking kasama ni Russel.
Sino naman kaya ito? Kaaway nanaman niya? Andami niyang kaaway!
"Sino yan?" Tanong ko kay Russel ngunit nakasimangot ito.
"Ako si Jude! Kaibigan ni Russell... matalik na kaibigan. Ako ang makakasama niyo e ikaw?" Sagot ng Kasama ni Russel.
"Ako si Masha. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Masama bang diyan nako titira? Sinakop ng mga taga Malensia ang Tirahan namin.. masasama talaga ang mga taga Malensia! Mga wala silang awa." Pagkukwento ni Jude.
"Sinakop? Bakit nila Sinakop?" Tanong ko na nakapagpataka sa kanilang dalawa.
"Kaaway namin sila! Lahat ng taga Malensia ay Kaaway namin! Sila ang dahilan kung bakit namatay ang Nanay ko!" Galit at Inis na Pagpapaliwanag ni Russel.
"P-paano?" Tanong ko.
"Lagi nilang sinasakop ang Kuta namin at ang iba ay pinapapatay nila at pinaguutos ito ng walang kwenta at walang awa nilang Reyna at lalo na ang Hari nila.. ang saya nga eh nang mabalitaan namin na patay na ang Hari ng Malensia. Simula namatay ang Hari hindi na kailanman pa sinakop nila ang Kuta namin." Sagot ni Russel.
"Pero ngayon sinasakop na nila ulit ang kuta namin kaya nagdesisyon kaming lumisan na at maghanap na Maayos na lugar." Sabi ni Jude. Siguro kaya sila Sinakop dahil sa akin! Pinapahanap na ako ng aking Ina.
Hindi ko akalain magagaea ng mga taga Malensia yon. Sinusunod nilang lahat ang aking Demonyong Ina!.
"Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sa aking Ina! Hinding hindi ko mapapatawad ang mga taga Malensia. Habang buhay ko silang kinamumuhian." Galit na Sabi ni Russel at bakas sa kaniya ang Sobrang lungkot na nangyari sa kaniyang Ina.
"Paano namatay ang Ina mo?" Tanong ko kay Russel.
"Wala kana don!" Sagot niya at umakyat na sa Taas.
"Mainitin talaga ang ulo ni Russel." Natatawang Sabi ni Jude.
"Si Christian! Baka nadamay yon." pagaalala ko.
"Christian?? Totoo? Nagaalala ka sa lalaking yon? Nakaligtas naman siya at Umalis na din." Sagot ni Jude. Mabuti naman at ok siya.
Umakyat na kami sa taas at nagluto ako ng makakain namin.
"Ang Sarap mong magluto." Sabi ni Jude. Syempre ako paba?
"Gustong gusto kong makarating ng Mobile Legend World. Gusto kong Makita ang Reyna nilang si Reyna Lesley." Sabi ko sa kanila na nakapagpatahimik sa kanila.
"Kinuwento sa akin ng Ina ko na naging Alipin siya ng Reyna ng Assassin World.. pero hindi Alipin ang turing nila sa kanila. Kundi pamilya. Sana nasa Assassin World nalang tayo. Payapa ang buhay nila." Pagkwento ni Russel.
Buong buhay ko Hindi ko pa nakikita ang Kaharian ng Assassin, Fighter, Mage, Tank World. Isa lang na tao ang nakita ko sa kanila yun ang Prinsesa ng Assassin World.. Ang kaisa isang anak ng Reyna Lesley at Haring Gusion.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Enemy
Fantasy(COMPLETED) [Falling Inlove with my Enemy Book 3] This is a Fantasy Story of a Princess who fall inlove to a Poor Man that are they Enemy.