Chapter 27: Paalam Christian

90 5 0
                                    

"Christian! Gagamutin ka namin. Huwag kang mag alala." Sabi ko kay Christian habang humahagulgol sa iyak.

Hinawakan nito ang Pisnge ko.

"Masha, Huwag na. Hanggang dito nalang ako." Sagot niya asa akin.

"Hindi! Gagaling ka! Wag mong sabihin yan! Makakasama kapa namin." Humagulgol ako sa Iyak.

"Christian." Sabi ni Jude at Umiyak na din.

"Masha, mahal na mahal kita. Deserve kong mamatay para sa taong minamahal ko." Sabi ni Christian.

"Huwag mo kong iwan please."

"Hindi kita iiwan. Lagi lang akong nasa tabi mo. Andito." Tinuro nito ang Dibdib ko kung nasan ang Puso ko.

"No Please." Pagmamakaawa ko.

"I love you Masha." Huling Sabi niya bago tuluyang Pumikit.

HINDIIII!! CHRISTIANNNN HUWAG MOKONG IWAN. Pakiusap! Wagg. Ayokong iwan mo ko.

Kasalanan ko ito! Dapat sumama nalang ako sa Kawal nayon edi sana buhay pa si Christian.

"Christian!!" Sigaw ko at humagulgol sa iyak. Inalog alog ko si Christian at nagmamakaawa.

"Tama naa!" Sigaw ni Russel at tinayo ako't niyakap.

"Kasalanan ko to! Dapat ako ung namatay! Hindi si Christian." Pagsisisi ko.

Niyakap kolang ng mahigpit si Russel.

"pinili ni Christian yon! Pinili niya Iwan tayo kesa Iwan mo kami." Naiyak nalang ako sa Sinabi ni Russel.

HINDIII.. PWEDEEE.. SIYANG MAMATAY! kasama pa natin siyang lalaban.

"Christian Salamat." Sabi ni Jude at humagulgol din sa iyak. "Mamimiss ka namin."

"Salamat. Galit ako sayo! Pero ngayon. Salamat Christian. Salamat sa pagligtas sa taong mahal ko." Sambit ni Russel habang nakatingin sa Katawan ni Christian.

Hindi ko mapapatawad ang Sarili ko. Sa nangyari kay Christian.. Araw Araw ko itong pagsisisihan.

WALA KONG KWENTANG KAIBIGAN! DAHIL SAKEN NAMATAY ANG ISA SA MGA MAHALAGA SA AKIN.

"Kresha." Nagulat ako sa nagtawag sa akin. Napatingin ako sa Kung sino yon... Nanay Aime. Ang nag alaga sa akin at nagmahal na hindi ko naramdaman sa Ina ko.

"Nanay Aime!!" Sigaw ko at tumakbo papunta kay Nanay Aime. Niyakap ko ito ng Mahigpit.

"Anak ko! Miss na miss na kita." Sabi niya sa aken.

"Miss kona din po kayo."

"Mabuti at nahanap kita! May mahalaga akong sasabihin sa yo. Tungkol sa Ama mo."

I'm Inlove with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon