Chapter Fourteen

3.7K 63 6
                                    

            Paggising ko ay wala na si Yohan sa apartment. It's already 10 in the morning so I'm sure pumasok na yun sa opisina. I woke up late dahil magdamag kaming nanuod ng palabas na dalawa. Pupunta na sana ako ng kusina nang mapansing umilaw ang phone ko na nasa bedside table. Tiningnan ko kung sino yun and tila lumukso ang puso ko nang mabasa ang pangalan ni Terrence.

            "Hello?" bati ko.

            I forgot to tell him last night. Shit.

            "Where are you?" seryoso ang boses nitong tanong.

            "I'm in the apartment. Why?"

            "Really? I'm outside. Kanina pa ako tumatawag pero hindi ka sumasagot. I thought you went out so I waited."

            I blinked. "W-what?"

            Lumabas ako ng kwarto. Sumilip ako sa labas. My eyes widened when I saw Terrence na nakatayo sa labas. Kanina pa siya dito? He should have knocked!

            Binuksan ko ang pinto at binaba ang tawag. Sobrang seryoso ng mukha niya. He looked really piss. It's not my fault kung naghintay siya. I didn't know he's coming. Akala ko ay mamaya pa sila uuwi.

            Walang sali-salitang pumasok siya sa apartment ko. He looked around na para bang may hinahanap bago siya umupo sa sofa.

            "Kanina ka pa?" I asked.

            "Maybe." tipid niyang sagot. "Kahapon pa ako tumatawag hindi mo sinasagot."

            "I'm sorry. I had to take care of something." pagdadahilan ko. "Dapat ay kumatok ka. Kakagising ko lang."

            "I did. You didn't answer."

            Umupo ako sa tabi niya. "How was the activity? Did Megan enjoy it?"

            He nodded. "She's with Wendy right now. She wants to spend time with her before they leave next weekend."

            Tinaas ko ang braso niya't nilagay yun sa balikat ko saka yumakap ako sa kanya. Mukhang badtrip pa rin siya. "I'm sorry about yesterday. Nagpunta kasi ako sa hospital para bantayan si daddy and then...-- It's a long story but it's nothing so nevermind."

            Naalala ko na naman yung Aliyaah na yun. I wonder where she is? Pinakiusapan ko si Yohan na wag muna siya paalisin hangga't hindi pa siya handa and he told me na lumambot daw ako just because she gave us a small amount. I didn't really tell him about what I witnessed yesterday. He doesn't really care.

            "I sent you money in your account earlier. Tingnan mo kung dumating na ba."

            Tumaas ang dalawa kong kilay. Binuksan ko ang phone at tiningnan ang ibig niyang sabihin. Muntik ng mahulog ang phone ko nang makita kung magkano ang hinulog niya. I felt my body shaking. Akala ko naduling lang ako kaya pinahiran ko ang mga mata pero ganun pa rin yung number na nakalagay sa screen.

            I looked at him unbelievably. "Are you serious? This is too big, Terrence."

            He sent me half a million. 500k. That's fucking too much. No fucking way. Maybe nagkamali lang siya?

            Hinila ako ni Terrence paupo sa kandungan niya. "Use that for your parents, sweetheart. At para na rin sa sarili mo. I told you I'd provide you everything. You can always ask me anything. Wag na wag kang magdalawang isip."

            Naiiyak akong yumakap sa kanya. "T-this is too much, Terrence. I-I don't know what to say. I-I'm s-speechless."

            He kissed me on my neck. "I'll do anything to have you, Isabella. No one else will do this for you so stay by my side."

Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon