Nagpunta kami kay Aliyaah matapos akong pakalmahin. Halos hindi umalis si daddy sa tabi nito. Sinubukan kong itago ang nararamdaman pero pilit iyung lumalabas.
"You should go back to California. Kailangan ka ng nanay mo. Once Aliyaah wakes up, sa Cebu na muna kami maninirahan. I have a rest house there. We can start again. Pwede akong magtayo ng maliit na negosyo. May pera pa naman ako. Yohan can stay here. He has his own life too. May mga negosyo siya dito. We can still talk through the phone. Kalimutan na lamang natin lahat ng nangyari." anang si daddy.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano ako babalik ng California matapos lahat ng toh. Hindi ako matatahimik kahit kailan.
"Ako na ang bahala sa company liquidation. I can help you start again, dad." wika naman ni Yohan.
Tumangu-tango si daddy. "Tulungan mo na rin ang kapatid mo na makabalik ng California. I'll try to help with your mom's therapy. We can sell all my remaining properties."
Umiling ako. "Hindi na po. Ako na po ang bahala dun."
Seryoso niya akong tiningnan. "Don't contact Terrence Calleja again. Hindi ko alam ang balak niya pero mabuti ng tayo ang lumayo."
"Wag kayong mag-alala. Kaya ko na po ang sarili ko."
He motioned me to come closer to him. Ako na mismo ang yumakap sa kanya. Dad made a mistake pero inamin niya yun. This is all that woman's fault. She played with dad and Terrence. Alam kong matagal na yun but Terrence is dragging that issue until now. He have to realize that dad is a victim too. That woman is a fucking bitch.
Matapos bumisita kay Aliyaah, nagpaalam na ako kina daddy na uuwi na muna sa apartment at magpapahinga. He will be staying with Yohan in his condo unit for a while hanggang sa gumaling si Aliyaah. Si Yohan na ang aayos ng lilipatan nila ni daddy sa Cebu. Napag-desisyonan na din nilang pabalikin ako sa California this weekend. Sa totoo lang, natatakot ako. It's true that I love Terrence but I have my priorities and one of them is mom. Sa kanya ko nakukuha ang suporta for mom's therapy. Anong mangyayari matapos lahat ng toh? I've been so dependent on him kahit yun ay kinatatakot ko.
Papasok na ako sa apartment ko nang makita ang isang pamilyar na bulto na nakaupo sa sofa. Natigilan ako. Ilang beses akong kumurap para masigurado kung totoo ba ang nakikita o imahinasyon ko lang. How did he even get here?? I didn't give him a spare key.
"Terrence." sambit ko.
Maigi niya akong tinitigan saka siya tumayo. "Kanina pa ako naghihintay sayo." aniya.
"Anong kailangan mo?"
Kahit na nanghihina'y pinilit kong maglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig. Ano pa ba ang ginagawa niya dito? Hindi pa ba siya tapos? Ganyan ba siya kagalit kay daddy?
"You left." ang tanging sinabi niya.
"I-I will send my resignation letter tomorrow." binaba ko ang baso at kumapit sa counter para suportahan ang sarili.
"Okey. I don't want you to stay as my secretary forever. I will find a new one."
Kinalma ko ang sarili. I felt disappointed about what he said but I shouldn't let that show.
Napasinghap ako nang maramdaman siya sa likod ko. "Let me explain everything, Isabella. I'm sure he already told you his side of story. Now, let me tell you mine."
BINABASA MO ANG
Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)
Любовные романыKinailangang umuwi ni Isabella sa pilipinas para alagaan ang may sakit niyang ama. Nalugmok ito nang bumagsak ang kompanyang ilang taon nitong pinaghirapang itayo. Natutunan niya mula sa kapatid na kagagawan ng kalaban sa negosyo ang pagkalugi. Gami...