Chapter Twenty Nine

2.9K 53 1
                                    

            Kumuha muna si Megan ng pictures naming tatlo bago kami nagsimulang kumain. Panay ang panlalambing ko kay Terrence. Nainis kasi ako dun sa grupo ng mga babae sa kabilang mesa na panay ang titig sa kanya.

            "Megan, mamaya na yan. Kanina ka pa nakatingin diyan sa phone mo." sita ni Terrence dito.

            Hindi ito nakinig. Hindi niya binaba ang phone kahit isang segundo lang. Nakita kong in-upload niya sa social accounts niya yung pictures namin. Ewan ko na lang kung anong mararamdaman ng nanay niya pag nakita yan.

            "Megan."

            "Hayaan mo na. Kumain ka na lang." wika ko dahil maha-highblood na naman siya.

            Sinubo ko sa kanya ang isang fries. Nginusuan niya ako. "Kanina pa yan. Pagalitan mo yang anak mo." pabirong wika ni Terrence.

            Kinilig naman ako. "Hayaan mo na, baby ko. She's probably talking with her friends."

            "This day is for us three pero nasa iba ang atensyon niyang anak mo. Tsk. Manang mana din sayo minsan."

            Pinisil ko siya sa tagiliran. "Kinikilig ako. Ano ba." nahihiya kong bulong.

            He laughed. "You're so adorable, sweetheart."

            I kissed him on the cheeks. "I love you, Terrence."

            Natigil kami nang tumayo si Megan at lumipat ng upo sa harapan namin. Tinaasan niya kaming dalawa ng kilay saka nagpatuloy kumain. Mukhang nainis sa kalandian namin ni Terrence. Ang likot kasi nitong isa. Tsk.

            Nagsimula na kami ulit kumain. Napansin kong naubos na yung gravy ko kaya nagpaalam ako saglit kay Terrence para mag-refill. Pagbalik ko napansin ko ang isang babaeng lumapit sa table namin. Terrence is eating kaya hindi nito napansin pero sinadya nitong ilaglag ang hawak na panyo saka malanding yumuko para kunin yun. Napataas ang kilay ko nang iigwad nito ang dibdib palapit kay Terrence kaya napataas siya ng tingin.

            My jaw clenched when I saw that he looked at her boobs. Like he legit stared at them. She's not even pretty!! Malaki lang dede niya. Bwesit na Terrence toh.

            "Sorry, nalaglag." rinig kong wika nung higad.

            Ngumiti si Terrence sa kanya at mas lalo lang nag-alburoto ang galit ko. He even looked at her chest again. Susugod na sana ako dito at handa ng sampal-sampalin yung babae nang magsalita si Megan.

            "I wonder where mom is. Ang tagal naman ata niya." anitong nilakasan ang boses habang nakataas ang kilay na nakatingin dun sa higad bago niya nilibot ang tingin. "Oh there she is." aniya nang makita ako.

            Pinanliitan ko ng tingin si Terrence saka ako naglakad pabalik sa kanila at umupo sa tabi ni Terrence.

            "Do you need anything?" mataray kong tanong dun sa babae na nakatayo pa rin dun sa side ni Terrence.

            Nilagay ni Terrence ang braso sa balikat ko. Napansin niya yata na nawala ako sa mood. Agad kong tinanggal yung nang umalis na ang malanding bwesit.

            Ibabalik sana yun ni Terrence pero agad akong lumayo sa kanya at lumipat ng upo sa tabi ni Megan.

            Nakakunot ang noong tumingin siya sa akin. "Babe, dito ka." aniya.

            Inirapan ko lang siya at kumain na muli.

            "Babe." tawag niya.

Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon