Chapter Eight

4.2K 60 1
                                    

            Maaga akong pumasok the next day para tapusin ang mga trabaho ko. Terrence texted me and ang sabi niya ay after lunch na siya makakapasok dahil may friday meeting sina Megan na may kinalaman yata sa family day nila bukas. I heard she agreed to come dahil wala siyang ibang choice. Hindi pa sinabi ni Terrence dito na sasama ako like what I told him.

            Napataas ako ng tingin nang may kumatok sa pinto. Pumasok mula doon si Sharon. "Lunch time na, Ms. Isabella. Mamaya na yan. Sabay ka na kumain sa amin." aniya.

            Tumingin ako sa relo ko. Hindi ko namalayan ang oras. Ang dami ko kasing ginawa. Nagfocus ako sa trabaho para matapos ko toh at hindi ko na kailangang mag-overtime. Maaga akong pupunta kina Terrence bukas dahil tutulungan ko siyang magluto at maghanda para sa trip.

            "Sa baba kami kakain. Sama ka." patuloy nito.

            Tumayo ako mula sa kinauupuan. "Okey lang bang sumabay?"

            "Oo naman noh."

            Ngumiti ako. I took my bag at sabay na kaming lumabas na dalawa. Naabutan ko ang ibang empleyado na naghihintay sa amin. Agad na lumapit sa akin yung ilan sa mga lalaki at kukunin sana nila yung bag ko para sila ang magdala but I refused. Maliit lang naman ang bag ko at tanging phone at wallet lang ang laman nun.

            "Hindi ka na namin nakita kahapon. Malamang napagod ka kakasunod kay Sir Terrence. Madalas talaga yung umaalis para kitain ang mga investors."

            I tried to smile. Hindi na lamang ako sumagot. Napagod nga ako kahapon but it was all worth it. Naghulog siya ng pera sa account ko kagabi at agad ko yung pinadala kina mommy. That wasn't really enough. I mean, 60k is only 1000 dollars and I need more than that for mom's therapy. I guess, I have to work a hundred times harder inside the bedroom.

            "Ang tahimik mo noh? You can talk freely. We are harmless." anang isa.

            Mahina akong tumawa. "I'm sorry. Medyo hindi pa kasi ako sanay."

            "You know what, ako na ang sasagot sa lunch mo. Isipin mo na lang welcome gift ko yun sayo. We do that to newbies." anang isa na alam ko ay manager sa department namin.

            Tumingin si Sharon dito. "Bakit nung unang beses ko di niyo ako nilibre?"

            "Ngayon ko lang toh naisip."

            Naiiling akong tumawa. Kung anu-ano pa ang sinabi nila. I was a bit uncomfortable at first pero di nagtagal ay medyo nasanay na ako sa hindi nila matigil na pagsasalita. I know filipinos are just hospitable. Back in California, I barely talked with the other employees unless it's about work. Masyadong seryoso ang mga tao doon and sno-snoban ka lang if you try to start a conversation lalo na pag working hours. This kind of hospitality isn't really normal outside the philippines, you know? Iisipin nilang may hidden agenda ka pag masyado kang mabait sa kanila.

            Pagdating namin sa cafeteria, tinotoo talaga nila yung sinabi na ililibre ako. I refused pero pinilit nila kaya wala na akong nagawa.

            Umupo na kami matapos mag-order. Uupo sana si Sharon sa tabi ko nang bigla siyang itulak nung iba. Nagulat ako lalo na nung muntik na siyang matumba. Buti na lang ay hindi natapos ang dala dala niyang tray.

            "Are you okey?" nag-aalala kong tanong.

            "O-okey lang." aniya't sinuntok yung mga kasama namin at umupo sa other side ng table.

            "Rinig namin kay Sharon na galing ka raw California? Ba't ka lumipat dito?"

            Tumango ako. "May sakit yung tatay ko kaya kailangan kong umuwi."

Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon