Chapter Seventy One

4.8K 96 9
                                    

            BUMALIK kami ni Terrence sa loob ng bahay. Hawak hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami. Sobrang tahimik niya. Mukhang hindi pa rin siya maka-get over sa nangyari. Bakit ba kasi ako biglang natahimik kanina? I swear, I didn't mean to embarrass him or offend him.

            Papasok na sana kami sa loob ng kwarto ko nang maabutan namin sina Megan at Simon sa loob. Parehas silang napatingin sa aming dalawa. Bakas ang pagtataka sa mukha. Nakita kong bumaba ang tingin ni Megan sa magkahawak naming kamay. Binitiwan ko si Terrence. Oo nga pala, magkatabi kaming matutulog ni Megan tulad kahapon. Simon is here so Terrence won't be able to borrow his room. So I guess, sa kwarto na lang ni mommy muna si Terrence.

            "Megan, it's late. You should be sleeping." anang si Terrence dito.

            "Did you guys go swimming?" tanong niya na tila di narinig ang sinabi ng ama.

            Tumikhim ako. "Matulog na kayong dalawa. Bukas na yang ginagawa niyo."

            Hihilahin ko na sana paalis si Terrence nang magsalita na naman si Megan. "Saan kayo pupunta?" makahulugan niyang tanong.

            "Ihahatid ko lang ang daddy mo sa kwarto ni mommy. Andito si Simon kaya hindi niya magagamit ang kwarto sa attic." sagot ko.

            Pinanliitan niya ako ng tingin. "Ihahatid lang?"

            "Megan." Terrence said in a warning tone. "Go to sleep if you don't want me to send you back to the philippines tomorrow."

            Hindi ito nagpatakot sa sinabi ni Terrence. Umayos siya ng upo paharap sa amin at tila pinag-aaralan kaming dalawa. "Nagkabalikan na ba kayo?"

            "N-no. Stop interrogating us." agad kong sagot. "Simon, magpunta ka na sa kwarto mo."

            Mabilis kong sinara ang pinto matapos yun para hindi na kami matanong pa ni Megan. Tumingin ako kay Terrence. Seryosong seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.

            "Why are you looking at me like that?" I asked.

            "Hindi pa ba tayo nagkakabalikan?" tanong niya pabalik.

            I rolled my eyes. "Are you seriously asking that after what happened earlier? Tsk. Tayo na nga bago pa nila tayo maistorbo."

            Hinila ko na siya papunta sa kabilang kwarto. Panay ang tanong niya kung kami na ba ulit. Hindi siya tumitigil hangga't hindi ako sumasagot. I don't know if he's just naive or stupid. Tingin niya ba ibibigay ko ulit ang sarili ko sa kanya ng walang dahilan? Gosh. How can he not read between the lines?

            "Sagutin mo ako ng maayos, tayo na ba ulit?" tanong na naman niya pagdating namin sa kwarto.

            I sighed. "Do I have to tell you?"

            "Of course. Gusto kong maging klaro ang lahat."

            I crossed my arms. Mataman ko siyang tinitigan. "Obviously, tinatanggap na kita ulit. I'm giving you a second chance... But if you hurt me again, hindi ako magdadalawang isip na sipain ka paalis."

            Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya. Napahiayaw ako nang bigla na lamang niya akong buhatin pataas. "I love you."

            Pinisil ko ang ilong niya. "Ipagpatuloy na natin ang ginagawa natin kanina, but this time, make sure you do it right."

            Ngumuso siya. "I said I love you."

            "I heard you clearly."

            "I love you, babe... Please respond."

Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon