Sunud-sunod ang pagdating ng mga kaibigan ni Megan sa bahay and halos mapuno na nila ang likod-bahay. I had to ask the maids to prepare more food dahil hindi ko inasahan toh.
Nasa kusina lang ako't nagsasalin ng pagkain nang makita ko ang tila takang-taka at litong litong si Terrence na papasok ng bahay habang pabaling baling ang tingin sa mga bisita. I told the maids na tapusin ang ginagawa ko at lumabas ng kusina.
"Terrence." tawag ko dito.
Agad siyang tumingin sa akin. Sandaling nawala ang kunot ng noo niya nang makita ang suot ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya.
"Mind explaining what's happening? Ba't ang daming tao dito sa bahay?" he asked.
I giggled. "Megan invited her friends. We had a last-minute party."
He raised his eyebrows. "What? Without telling me?"
I pouted. "Sorry. I didn't expect they'd invite a lot of friends. Well, I should have expected but...-- you don't mind naman, diba? Ngayon lang naman and Megan's really having fun."
"I don't do parties in this house, Isabella. Megan knows that. It's too loud and messy." bakas sa boses nito na hindi nagugustuhan ang ginawa namin sa bahay niya.
Kumapit ako sa leeg niya. "Pagbigyan mo na kami. Ngayon lang naman eh."
"Isabella... I have rules in this house for a reason. Pauwiin mo yang mga batang yan."
"They're already here, Terrence. We already prepared a lot of food."
"At saan mo naman nakuha ang mga pagkaing hinanda mo?"
I bite my lips. "I used everything in the fridge." nag-aalinlangan kong sagot.
Mas lalong nanliit ang mga mata niya. Nagpapa-cute akong ngumiti sa kanya para hindi ito magalit. Hinapit niya ako sa beywang.
"You're going to pay for all these."
"I-I don't have money. Ganito na lang, wag mo na ibigay yung sweldo ko sa--"
"That's not what I mean. Eto ang ibig kong sabihin."
I gasped when he suddenly touch my butt. Sinita ko siya dahil baka makita kami ng mga bata. Marahan niya akong hinalikan. Kinagat kagat niya ang labi ko nang hindi ako tumugon. Mahina akong natawa. Natigil kaming dalawa nang marinig na may tumikhim sa gilid. Agad akong humiwalay kay Terrence nang makita si Megan.
Pinanliitan siya ng tingin ni Terrence. "You broke one of my rules, young lady."
"I-I'm sorry." ani Megan.
Pinalo ko si Terrence sa braso. "Don't scare her. Just let her enjoy this night."
"But still... She broke my rule." aniya. "I will allow you tonight but you're grounded for a week."
Agad na umangal si Megan. Hinila ko si Terrence at niyakap sa braso. "Ako na ang sasalo sa parusa niya. This is my idea in the first place not hers."
"You have your own punishment, lady. Megan will be grounded for a week."
"Terrence naman ih! Stop ruining the mood. Buti pa ay sumali ka na rin sa kasiyahan."
BINABASA MO ANG
Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)
RomanceKinailangang umuwi ni Isabella sa pilipinas para alagaan ang may sakit niyang ama. Nalugmok ito nang bumagsak ang kompanyang ilang taon nitong pinaghirapang itayo. Natutunan niya mula sa kapatid na kagagawan ng kalaban sa negosyo ang pagkalugi. Gami...