Chapter Fifty Three

2.7K 52 0
                                    

            Pagdating ko sa bahay, isa-isa ko ng pinack yung mga gamit ko. Inuna ko syempre yung mga kailangan ko talaga just in case I can't bring everything. Dadalhin ko ang iba sa unit ni Yohan para hindi na ako mahirapan pag-alis ko.

            Hila-hila ko ang malaking maleta pababa nang biglang marinig ko ang boses ni Terrence. Nabitawan ko ang maletang hawak. Nakatayo siya sa may bukana ng pinto. Nakakunot ang noo nito at tila nalilito na ewan. Bumaba ang tingin niya sa maletang nasa tabi ko. What the hell is he doing here? It's still 10. And isn't he with his secretary?

            Nanginig ang tuhod ko sa kaba. Hindi ko inasahan na mahuhuli niya ako. I should have brought it with the items earlier para hindi na ako bumalik. I'm pretty stupid.

            "Where are you taking all that?" nagdududa niyang tanong.

            Inabot niya sa katulong ang dala-dala niyang paperbag at naglakad palapit sa akin. Hindi ako nakagalaw o nakapagsalita. Fuck. Think, Isabella. Think of a goddamn excuse!

            Nang makalapit siya sa akin, agad niyang binuksan ang isang maleta at sinilip kung anong nasa loob. "Where are you going with your things?" ulit niya sa tanong.

            Tumikhim ako. "I... I'm going to hand them to A-Aliyaah. S-she got a bit bigger kaya hindi na kasya sa kanya ang mga damit niya. I-I told you I'm helping them with their things, right? I-I just came back to get t-the dresses na sasakto sa kanya."

            I don't know, man. That's a pretty dumb excuse. Why would I hand her clothes? Dad can buy it for her. Tsk.

            "All these?" may pagdududa pa rin sa boses nito. "These are your favorite clothes."

            I blinked. "I... I've used them a couple times and sawa na ako. Mas mabuting ibigay kesa mabulok, diba? Medyo nagtitipid kasi sila so I just want to help."

            Tinitigan niya akong mabuti. Mukhang hindi pa rin siya naniniwala. Sabagay, araw araw ko ngang sinasabing mahal ko siya pero di siya naniniwala. Eto pa kayo?

            "Why are you here so early, anyway? Don't you have an important meeting?" tanong ko para baguhin ang topic.

            "Katatapos lang ng meeting. I came here to bring you food para may makain ka pag-uwi mo. I didn't expect to see you here."

            Sandali kaming natahimik na dalawa. Panay pa rin ang pagtitig niya sa mukha ko na tila pinag-aaralan ako. Hindi siya pwedeng magduda ngayon. What should I do?

            "Hindi ka ba babalik sa opisina?"

            Umiling siya. "I'll stay with you. Sasamahan na kita sa unit ng kapatid mo."

            Pinagpapawisan na ako. Gosh. I swear, halatang halata na nagsisinungaling ako.

            "O-okey." sagot ko. Doon naman talaga ang punta ko so walang problema.

            Kinuha ni Terrence ang maleta mula sa akin at siya mismo ang nagbaba nun. Sumunod ako sa kanya. Kahit papaano ay nawala ang kaba ko. The guards took it at nilagay sa likod ng sasakyan. Seryoso pa rin ang mukha niya. Walang tiwala. Well, whatever he's thinking, he's probably right.

            Una niya akong pinapasok sa loob saka siya sumunod. I gave the address to the driver. Tahimik lang si Terrence sa tabi ko. Tila malalim ang iniisip. Marahan akong umisog palapit sa kanya at sinandal ang ulo sa balikat nito. Doon lang siya tumingin sa akin.

            "A-are you mad I'm giving them to Aliyaah?" painosente kong tanong. "I know you bought them for me and it's disrespectful na ipamimigay ko yun but I-I just really want to help them."

Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon