Chapter Sixty Four ()

2.8K 46 4
                                    

PAGPASOK sa kwarto ay naabutan ko si mommy na natutulog. Napangiti ako nang matitigan ang mukha niya. Matapos ang ilang taong pakikipaglaban niya sa sakit niya, ngayon ko lang siya nakitang kalmado. Kahit natutulog siya, bakas ang paghihirap sa mukha niya pero ngayon... She looks serene.

Lumapit ako kay mommy. Hinalikan ko siya sa noo saka umupo sa silyang nasa gilid ng kama. I really hope she'd finally feel better.

"Is she your mother?" narinig kong tanong ni Megan.

Tumango ako. I don't think I ever told them about mom but she probably knew about her condition through Simon.

"Sa totoo lang, may ideya na ako dati na andito ka pero hindi ko sinabi kay daddy. Alam ko kasing magmamadali siyang magpunta dito. I didn't want to give him hope. Hindi ko pa nakompirma na andito ka at baka mas madisappoint lang siya pag nagpunta siya dito at wala ka." patuloy ni Megan.

Huminga akong malalim. "I don't want to hear anything about Terrence. Wag na muna natin siya pag-usapan." wika ko. "Tatawagan ko si Simon para pabalikin dito para makauwi na ako at makaalis na rin kayo."

Hindi siya nagsalita. Kinuha ko ang phone. I tried to call Simon but he's not picking up. Malamang ay nagsasaya pa yun. Tinext ko na lamang siya hoping ng mabasa niya yun. Hindi ako mapakali knowing Terrence is waiting for me outside. Kahit galit ako, nag-aalala pa rin naman ako sa kanya. Gusto ko siyang imbitahan dito pero ayaw ko siyang nakakasama ng matagal dahil natatakot ako na baka anong gawin ko.

"Ikaw ba ang nagdala kay Terrence dito?" hindi ko mapigilang magtanong.

Tumango si Megan. "I found out you're here through Simon's live youtube video. I didn't tell dad. Sa totoo lang, kanina lang din niya nalaman nung nakita ka niya."

"H-how is he, by the way? I mean... I'm not asking because I'm concerned. Curious lang ako."

"I told you... He was miserable. Simula nung umalis ka, wala siyang ibang ginawa kundi hanapin ka. Kung hindi naman ay nagkukulong siya sa kwarto at nilulunod ang sarili sa alak. I had to take care of him. I got scared he might kill himself kaya hindi ko siya maiwan kahit saglit lang. Tuwing pumapasok ako sa klase, sinisigurado kong binabantayan siya ng mga katulong at ng mga guards. He was so worried about you... Lalo na nung nagpunta si mommy sa bahay. She told us everything. I... I'm sorry. Sa totoo lang, nahihiya akong harapin ka ngayon. Walang ibang ginawa ang mga magulang ko kundi saktan ka. At the same time, nagpapasalamat ako dahil sa ginawa mo para kay mommy."

Ngayon ko lang naalala ang tungkol kay Wendy. Wala na akong narinig tungkol sa kanya. I'm surprised she told them everything. I thought she was determined about extracting her revenge.

"How's your mom, anyway?" I asked after a couple seconds.

She sighed. "She's... in a mental hospital. She went mad after everything that happened. Madalas ko siyang binibisita. Pero maayos naman ang lagay niya kahit papaano."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Mental hospital?"

She nodded. "Mas mabuti na rin na andun siya kesa sa kulungan. Dad almost sent her to jail because of what she did. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanila..." aniya saka sumeryoso ang mukha. "I heard mom told you a lot of things about how dad tried to ruin her life. Alam kong wala akong karapatan na sabihin ang mga toh at dapat sa kanila mo mismo marinig ang buong storya but... But I want to clear up all the misunderstandings. I know you won't listen to dad, anyway.... Dad didn't ruin mom's life. Hindi ginawa ni daddy kung ano man ang sinabi ni mommy sayo. He tried to push mom away but he didn't try to sell her or something. Hindi din si daddy ang dahilan kung ba't namatay ang lolo't lola ko. Kung may ginawa man siya, yun ay ang tulungan sila. Narinig ko silang nagtalo kaya ko alam yan lahat."

Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon