*Megan's POV
Ilang araw nang nasa loob lang ng kwarto niya si daddy simula nung gabing yun. Aalis lang siya para bumili ng alak. Ni hindi na siya pumapasok sa trabaho. I think he's still hoping Isabella will come to get her other things kaya pinalipat niya sa kwarto niya lahat nung naiwan ni Isabella.
Kumatok ako sa pinto. Hindi pa siya kumakain simula kagabi. He might really die kung papabayaan niya ang sarili.
Pumasok ako sa loob. He's still drinking habang nakaupo siya sa sahig at nakatingin sa phone niya. Probably their pictures together. I seriously don't know what to do anymore. Isabella is probably back in California. Narinig ko kay Simon dati na may sakit ang nanay nila and I'm sure she came back for her. I don't know if I shoud tell dad about that. Muntik na siyang makulong nung isang linggo dahil nagpunta siya sa condo ng kapatid ni Isabella at nag-amok.
I called my grandparents and told them about this. I can't handle this myself. Madalas nagpupunta dito si Lola pero kahit siya ay hindi pinapakinggan nito. Hindi daw siya aalis hangga't wala si Isabella.
"Dad, you have to eat." wika ko rito.
Hindi siya nagsalita. Kinuha ko mula ang alak mula sa kanya.
"I don't think Isabella will come back if she finds out you're in this condition."
Tumulo ang isang butil ng luha nito nang i-mention ko ang pangalan ni Isabella. He's so in love with her. And Isabella's probably thinking he doesn't care about her. She was mad that day she left. It was all a misunderstanding. I wish I knew better.
"I will try to contact her. Just... Just eat, dad. You have to fix yourself. Kailangan niyo pong ipakita sa kanya na kaya niyo siyang alagaan para bumalik siya." patuloy ko.
"She said she loves me..." narinig kong sambit niya. "But she left. Did her feelings change? Is that the reason she was always mad at me?"
Tinanggal ko mula sa kamay niya ang phone niya and I saw that he's just staring at Isabella's face. Ginulo niya ang buhok. He looks really miserable.
"Kumain na po kayo. You should go back to work too. You will need to be strong and stable when she comes back."
Hindi siya sumagot. Nilagay ko sa tabi niya ang dalang tray at tumayo. Pinulot ko ang mga bote ng alak na wala ng laman at lumabas ng kwarto.
Bumaba ako papunta ng kusina nang mamalayan ko na may papasok ng bahay. I thought it's Isabella but I was surprised when I saw mom. I haven't talked to her for days. She said she was busy and she had to do something important. I didn't even know she's back.
"Mom?" tawag ko dito. Tila wala siya sa sarili. Ni hindi niya ako napansin.
"Is Isabella here?" ang una niyang tanong.
Lumapit ako sa kanya at yumakap dito. "I miss you."
Yumakap siya sa akin pabalik. "I-I need to talk to Isabella."
She doesn't look like herself and she smells like alcohol. Nag-alala ako dito. But... Why is she looking for Isabella? Do they know each other personally? Ano naman ang sasabihin niya dito? Naguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari. I mean, I'm just 14. It looks like being an adult is very difficult.
"I-Isabella isn't here. Ano po ba ang sasabihin niyo?" tanong ko rito.
"W-where is she? S-she's n-not in the h-hospital and...-- I-I have to talk to h-her. I-I--"
BINABASA MO ANG
Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)
RomanceKinailangang umuwi ni Isabella sa pilipinas para alagaan ang may sakit niyang ama. Nalugmok ito nang bumagsak ang kompanyang ilang taon nitong pinaghirapang itayo. Natutunan niya mula sa kapatid na kagagawan ng kalaban sa negosyo ang pagkalugi. Gami...