SANDALI kaming tahimik lang ni Terrence habang nagtatampisaw sa tubig. Pilit akong lumalayo sa kanya pag lumalapit siya dahil baka di ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Hindi pa rin ako kumakalma matapos ang usapan namin kanina. Paano ako kakalma kung andyan siya?!
"It's surprising how quiet this neighborhood is." ani Terrence.
Tumikhim ako. "Mostly sa mga nakatira dito ay matatanda na kaya maaga silang natutulog. Yung iba naman, malamang nasa trabaho pa or whatever. Pero pag summer, sobrang ingay ng lugar na toh. Umaga't gabi, may nagpa-party and whatever."
Tumangu-tango siya. "This is California after all."
Naglakad siya palapit sa akin. Napasinghap ako nang dumampi ang kamay niya sa beywang ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig siya sa akin. God, he's beautiful.
"Anyway, kailangan nga pala uuwi si Megan? May klase pa siya, diba?"
"Dapat bukas na but I decided to send her back to the philippines, the day after tomorrow."
"Ikaw? Kailan ka naman uuwi?"
He shrugged. "Hanggang sa pumayag kang iuwi na kita?"
Napalunok ako. "W-we already talked about this."
"I know... You're busy. Kailangan mo alagaan si tita at may trabaho ka sa New York. Hindi ko naman sinasabi na talikuran mo yun. Kaya nga handa akong manatili dito kasama ka."
Naramdaman kong dahan dahang humahagod ang kamay niya sa katawan ko. Imbes na pigilan ay hinayaan ko lamang siya. Marahan kong pinagdikit ang katawan naming dalawa. Hindi ko alam kung napansin niya yun. Hindi ko na talaga kaya. I just want to fucking hug him or at least feel his skin on me.
"You're so tall." mahina kong wika.
Hinaplos niya ang pisngi ko. "Kaya nating solusyonan yan."
Napaigtad ako nang hatakin niya ako pakarga. Automatikong lumibot ang mga braso at binti ko sa katawan niya. Halos magtama ang mukha naming dalawa nang tumingin ako sa kanya.
"Better." bulong niya.
"I-ibaba mo nga ako. B-baka may makakita sa atin." nauutal kong wika.
"Kailan ka pa may pakialam sa ganyang bagay? Tsk. Kinarga lang kita para pantay na tayong dalawa."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam kong nagte-take advantage ka lang sa akin. Pinatawad lang kita ang lakas na ng loob mo. Just because I forgave you doesn't mean you're free to sin again."
"Hindi kaya. Bakit ko naman gagawin yun?" inosente niyang wika.
Pinalo ko ang dibdib niya. "Ibaba mo na ako."Hindi siya nakinig sa akin at imbes ay dinala ako sa mas malalim na parte. Madilim sa bahagi namin. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa paligid. I suddenly felt excited. We went to a beach the last time we were together. Hindi kami gaanong nag-enjoy nun dahil lagi akong wala sa mood... And now, here we are again... In a beach. But this time, everything's different... In a good way, I must say.
"Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig." ani Terrence.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa leeg niya. "It's so cold." namamaos kong wika.
BINABASA MO ANG
Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)
RomanceKinailangang umuwi ni Isabella sa pilipinas para alagaan ang may sakit niyang ama. Nalugmok ito nang bumagsak ang kompanyang ilang taon nitong pinaghirapang itayo. Natutunan niya mula sa kapatid na kagagawan ng kalaban sa negosyo ang pagkalugi. Gami...