Late na akong nagising nung sumunod na araw. Wala na si Terrence sa tabi ko but he left a note for me. May kasama pang breakfast. Tsk.
Tumayo ako sa kama at nagbihis. I took the tray saka bumaba ng bahay. It's already cold kaya iinitin ko lang. My body hurts a bit. Magdamag akong inano ni Terrence. Halos siya lang ang gumagalaw dahil nga sa bwesit na injury na toh. Naalala ko ang ekspresyon ng mukha niya habang nagsisiping kami. I can't help but smile. He looked like he was in heaven. He said I got a lot tighter.
"Magandang umaga po." bati nung katulong.
Binati ko siya pabalik saka kinuha yung pagkain mula sa microwave.
"Nag-abot po ba kayo ni Ma'am Wendy? Nagpaalam po siyang papasok kanina dahil may kukunin daw po siya sa kwarto ni Ms. Megan. Tingin ko po hindi pa siya nakakaalis. Ipapaalam ko dapat sa inyo pero tulog pa po kayo."
Agad na kumunot ang noo ko. "Wendy is here?" nalilito kong tanong.
Isn't she in Japan? Bakit naman siya andito? I didn't hear na umuwi siya dito sa pilipinas. Malamang ay kinuwento na yun ni Megan kung ganun. Saka ba't naman siya papasok dito sa bahay? Megan isn't here. She's currently at her school.
"Where is she right now?" I asked the maid.
"Nasa kwarto po siguro ni Ms. Megan. Hindi ko pa po siya nakitang bumaba simula nung dumating siya."
Binaba ko ang hawak at agad na naglakad papunta sa taas. Hindi ko alam kung bakit pero may kutob ako. I went to Megan's room pero wala siya sa loob kaya mas lalo akong nagduda. I looked around every room but she wasn't there. I went inside Terrence's library at napansin ko ang nagkalat na mga files sa sahig. I'm sure Terrence didn't do that. Terrence hates it when the house is messy kaya nga ayaw niyang nagpapa-party dito.
Nagpunta ako sa kwarto namin ni Terrence dahil yun na lang ang hindi ko nasisilip. Pagbukas ko nun, saktong naabutan ko si Wendy sa harap ng cabinet at tila may hinahanap.
"What the hell are you doing here??"
Napatigil siya. She looked at me surprised. Tumingin ako sa cabinet. Tapos sa kanya ulit. What the hell is she doing?!
"Bakit ka andito sa kwarto? Anong hinahanap mo??"
Hindi siya sumagot. Nagulat na lang ako nang kunin niya ang box na nasa cabinet at itapon yun sa akin. Tatakas sana siya pero mabilis kong nahila ang buhok niya.
"Bitiwan mo ako!!" sigaw niya at pilit akong tinulak.
She punched me in my face. Sa sobrang inis, malakas ko siyang sinampal kaya natumba siya sa sahig. Inapakan ko ang isa niyang paa para hindi siya makaalis. Namilipit siya sa sakit. This girl really dared to come here at magkalat gayung wala naman pala siyang laban sa akin. Hindi ko pa nagagamit ang isang kamay niyan, ha?
"Anong binabalak mo? Bakit ka andito?"
"Let me go!! Please..."
Nagsimula siyang umiyak. Nginisihan ko lang siya. I know exactly what she is kaya hindi niya ako madadala sa mga arte niya. Nagpatuloy siya sa pagsigaw sa akin. She tried na saktan ako pero sinipa ko lang siya. I won't be gentle on her just because she's Megan's mother. She betrayed not only Terrence but also dad. Siya ang dahilan ng lahat ng gulong nangyari. Hindi na dapat siya nagpakita sa akin. I'm in my savage mood for days. I can easily do to her what I did to my car.
BINABASA MO ANG
Lascivious: Terrence Calleja (COMPLETE)
RomantikKinailangang umuwi ni Isabella sa pilipinas para alagaan ang may sakit niyang ama. Nalugmok ito nang bumagsak ang kompanyang ilang taon nitong pinaghirapang itayo. Natutunan niya mula sa kapatid na kagagawan ng kalaban sa negosyo ang pagkalugi. Gami...