A7: Elise

280 15 0
                                    

IT WAS HORRIBLE. Sobra akong nahindik, ni hindi na ako nakagalaw.

Si Shiela ang unang nakabawi sa pagkagulat. Itinakip nito ang mga palad sa mga twinsies at sa flower as a knee-jerk reaction bago ako makapikit sa pandidiri.

Tapos ay umirit ito.

Ang taas at pagkahaba-habang irit.

"Yoouuu! What the hell are you doing here?! This is Gian's rooooom! Why the hell are you heeeeeere?!"

Taranta akong napalapit. "Shiela, sshhh!" saway ko. "Please... baka ka marinig sa baba. Huwag kang mag-eskandalo rito, please!"

"You dare tell me what to do? You freakin' bitch! You fuckin' trash!"

I shouldn't have taken one step nearer. Shiela was a walking time bomb and it was stupid. Pero ang bilis na nang sumunod na mga pangyayari.

May bote ng alak na marami nang bawas na nakapatong sa ibabaw ng bureau at dalawang wine glasses sa tabi niyon. Ni hindi ko napansin ang mga iyon pwera noong hinagip ni Shiela ng kaliwang kamay ang leeg ng bote.

Isang saglit, shocked kong pinanood ang pag-swing ng bote sa ulo ko bago ako pilit umiwas. Pero sumabit ang heel ng stiletto ko sa gilid ng rug. 

Ang pag-iwas sa hampas ng bote ay naging pag-iwas na hindi madulas!

Nahagip ako ng bote sa gilid ng aking ulo. Pagkatapos, narinig ko iyong nabasag sa dingding. Pero nangangatog ang aking mga tuhod. May malakas na ugong sa aking mga teynga at may mainit na likidong naglandas mula sa sugat pababa sa aking leeg. Ang ulo ko, pumipintig sa sakit...

Pero hindi pa tapos si Shiela sa pagwawala nito. Angat ko ang mga braso ko para iharang sa mga kalmot at mga sampal at mga hampas nito sa sumunod na mga sandali.

Mga sandaling parang napakatagal.

May napunit at napahingal ako sa lamig sa aking dibdib.

I stood there, fighting not to faint, fighting the shock that wasn't allowing me to get mad, worrying that I hadn't worn a bra under my dress because it had it sewed-in... and waiting for hell to be over.

Please, be over...

Nakataas pa rin ang mga braso ko nang namalayan kong wala nang humahampas sa akin. Nakaharang sa aking mukha ang aking gulong buhok. Nang magmulat ako ng mga mata, ang nasa kabila niyon ay ang namumutlang mukha ni Gian.

"G-Gian...?" Had I fainted? Was he real? He shouldn't be here. Kita ang aking boobsies. No one should be here.

"Oh my God... Elise..." Hinawakan niya ang aking mga brasong nakataas pa sa ere para ibaba.

Noong narinig ko ang boses niya, nakadama ako ng relief. Saka ako nanlambot. Saka ko lang pinayagan ang sarili kong bumagsak.

Nakapalibot na ang mga bisig niya sa akin bago ako matunaw nang tuluyan. Humahagulhol si Shiela mula sa may pinto kung saan ito kinakaladkad nang kung sino.

"Gian! Please! Please! I can do better, I promise! I will do anything! I miss you so much, baby! Please...! Come back to me!"

"Close that damn door!" utos nang galit na si Gian.

Narinig ko ang pagsara ng pinto.

Naalala ko ang party. Narinig nila siguro sa baba ang ingay kaya mga napasugod. I should have walked right back out and called people as soon as I saw Shiela. I wanted to tell that to Gian.

I would have done that, too.

Pero nagdilim na nang tuluyan ang paligid at nawalan na ako ng malay sa mga bisig niya.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon