A10: Elise

336 17 0
                                    

AYON SA TSISMIS, older woman ang babae. About five years daw ang tanda nito kay Gian. The relationship itself started way back in highschool but before then, playmates daw ang dalawa sa neighborhood ng mga ito so matagal na talaga ang mga itong magkakilala.

Her name was Trina Cheng.

Gaya ni Gian, galing ito sa mayamang background at napakaganda raw. They looked perfect together, and they were perfect together for a long time.

Unfortunately, hindi ganoon ka-perfect under the surface ang relasyon ng mga ito.

Trina started going out with a wild group in high school, at na-hook daw ito sa drugs. Iyon ang alleged na dahilan kung bakit nag-break ang dalawa at pinadala ng mga Verrazzano si Gian sa London para doon pakuhanin ng college course niya. Paulo, the younger brother, also went with him. Sumama si Madam Soniah to personally supervise her boys.

Trina was said to be on the verge of self-destruction when they left. Sabi, bago pa man daw makaalis ang mag-iina ay madalas daw itong gumagawa ng nakakaeskandalong mga eksena para makita lang si Gian. Na nagbibilang daw ito ng meltdowns kung saan-saan.

Classic case of someone I knew. The first letter of the name was S.

So anyway, habang nasa UK si Gian, lalong lumala ang pagkalulong ni Trina sa opioids sa Pilipinas. Nag-drop out ito sa school. When her parents first tried to get her to a rehab, naglayas ito at sumama sa wild rich brats na naging mga kabarkada nito.

Hindi nagtagal, may mga sex videos itong kumalat sa net kasama ang mga lalaki sa grupong iyon.

Like, orgy type of sex videos.

Like, torture type.

Like, rape fantasy.

Napalunok ako, naaalala iyong weird na mukha ni Shiela noong galit na galit si Gian. Iyong suspicion ko na na-turn on siya sa galit ni Gian.

Oh. My. God.

Napatuwid ang aking spine sa seat. Gian couldn't be... of course not.

Ang alam ko ay walang kaalam-alam si Gian sa mga nangyayari kay Trina while he was in the UK. Iyon ang narinig kong pinag-uusapan ng aking concerned na mga magulang noon. Bantay na bantay kasi ang magkapatid ni Madam Soniah to protect him. He was seriously studying – he was always a top student. That didn't seem to change after he left for abroad. Marami pa nga ang nagsabi na parang hindi siya masyadong naapektuhan ng break up with Trina.

Pero may tsismis ding may involvement si Gian sa grupo ni Trina. That was the one that was a little too much to even think about. Or believe.

Trina was just as insane as Shiela was.

Naging maalinsangan bigla sa loob ng kotse dahil sa pagkabuhay nang sobra kong pagkairita kay Shiela.

After the first school year abroad, the family flew home for a short vacation. Trina somehow found out about it and managed to escape from the high-end rehab where she was confined after her family recovered her from her friends with the aid of the police. She somehow was able to contact Gian.

Pagkatapos, tumakas daw si Gian sa bahay at nakipagkita kay Trina. At magkasama ang dalawa sa kotse ng lalaki when it crashed on the drive back to her folks.

Trina died on the spot. Gian was confined in the hospital for almost a month.

Ayon kay Gian noong nakakausap na siya, he promised Trina he would elope with her to convince her to go with him. Nakatulog daw ang babae sa byahe pero nagising at nang nakitang pauwi ang mga ito sa bahay nito ay nagwala at pilit inagaw ang manibela kay Gian. Nawalan ng kontrol ang lalaki at bumunggo nga ang mga ito sa isang malaking puno.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon