D6: Elise

183 10 0
                                    

NAPATIGIL AKO BIGLA bago ako mabunggo sa katawang nakaharang. Umangat sa mukha ng may-ari ng katawan ang aking tingin. Wala siyang kangiti-ngiti. Wala ring kaimik-imik. Sandaling silip sa likod niya at nakita kong ang bag niya, nasa carpet at ni hindi na nakarating sa desk. Ang jacket niya ay itinapon sa sofa sa receiving area. Hindi pa nabubuksan ang shades sa mga bintana.

"Uhm... Gian?"

"What did you do to your hair?"

Yep. It was because of my freakin' hair. "Pina-cut ko?"

"Why?"

"Kasi... gusto ko ng bagong hair do?"

"You let them cut it too short," sisi niya.

Napahawak ako sa dulo ng mga hibla ng aking buhok. "It's still long."

"It was cut in half!"

Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala na nakatayo kami roon at pinagtatalunan namin ang aking buhok after two long weeks na ni hindi kami nagkita o nakapag-usap.

Nagbuntunghininga siya nang malalim saka tumingin naman sa suot ko. "New dress?"

Napayuko ako sa aking dress, medyo natataranta. Black and white ensemble iyon, medyo maikli ang skirt at sleeveless ang pangtaas. Ang chick ng damit at gustong gusto ko kaya inuna ko sa mga bagong bili ko. Naninisi ang tinging ibinalik ko sa kanya. "Oo. Ano namang problema sa new dress ko?"

"There's no problem. You look great."

Nagsususpetsa ang tingin, niligiran ko siya, iniiwasang lumapit within biting distance, saka dinaanan at dinampot ang bag niya sa carpet para dalhin iyon sa drawer sa desk. Saka ako muling humarap sa kanya. Nakatayo pa rin siya sa gitna ng office, pinanonood ako sa aking ginagawa.

"Gian... anong problema?" diretsa kong tanong.

"Why are you suddenly sporting a new haircut and wearing a new dress?"

Napakurap ako.

"I mean, 'di ba girl's way ito para ipaalam sa iba na single ka na uli? Na pwede ka na uli makipag-date?"

"Na single na ako, the sooner they know, the better for me," sagot ko. "Pero nope about pakikipag-date."

"You're in no way single," he growled.

Napigil ko lang mangiti. Kahit papaano, nakakahabol na ako sa mood niya – at dahilan niyon. "Oh, hindi? So napag-isipan mo na ba—"

He was onto me. Namalayan ko na lang na nabuhat ako sa kinatatayuan ko, naiupo sa gilid ng desk niya na sa laking pasalamat ko ay clear pa sa mga gamit niya sa mga sandaling iyon, at hinahalikan nang sobrang uhaw at init, akala mo naman magugunaw na ang mundo bukas. 

Oh, shit. Napag-isipan na niya! 

At malinaw kung anong desisyon niya.

Push na ang pagiging boyfriend-girlfriend namin!

Iyon lang at tumugon na ako sa halik niya. Oh my God, I so missed it. I so missed him! Umikot sa kanya ang mga bisig ko at kung magagawa ko lang idikit siya sa katawan ko habang niyayakap ko siya nang ubod higpit. Pero hindi advisable iyon sa exploring hands, and that's the next thing we both wanted to do. Habang patuloy ang pagniniig ng aming mga labi, I was loosening his tie. He was unbuttoning my top. And the next second found us both bare on the top.

And he had my nipple deep in his mouth while he held me in my back. Nakatukod ang isa kong kamay sa desk at ang isa ay pabugso-bugsong sumasabunot sa kanyang buhok. Napapatirik ang mga mata ko sa bawat nanggigigil na supsop, sa bawat squeeze nang isa niyang kamay sa kabilang boob. Tanging mga hingal at ungol namin ang maririnig sa loob ng kanyang office.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon