C3: Elise

190 8 0
                                    

NAPABANGON NA RIN ako bago pa tuluyang maloka si Anna. Buong mukha na ang tinatakpan ng mga palad nito dahil sa sobrang kahihiyan na narinig ni Gian ang mga sinabi nito. Well, sobrang kilig na rin kasi.

"It's Valentine's Day so I brought flowers to two single, beautiful ladies I know are here. Here's for you, Anna."

Ang bilis nang iniigkas ng kanang kamay ni Anna para kunin ang bulaklak at chocolates habang nakatakip pa rin sa kalahati ng mukha ang kabila. "Thank you, Gian. Happy Valentine's Day! Iiiihhhh!"

Pagkatapos niyon at pumihit na ito at tumakbo pabalik ng beach house.

Tumatawa kaming dalawa ni Gian habang pinanonood ito at si Tootsie na sandaling hindi alam kung susunod o titigil pero sa huli ay sumunod din. She was, for all intents and purposes, really Anna's dog.

Pagkatapos ay pumihit sa akin si Gian. Nagdaan ang asiwang sandali habang parang hindi niya bigla alam ang sasabihin.

"I thought you don't do Valentine's?"

Iniabot niya sa akin ang kahon ng long-stemmed rose at naka-ribbon na chocolate bar. "I don't want you lonely on Valentine's Day."

Hindi ko napigilang mapangiti habang tinatanggap iyon. "Thank you, but I'm really okay. Hindi ako nalulungkot. I... I don't have anything for you except... Happy Valentine's Day."

"And that's fine. Walk with me?"

Nagkibit-balikat ako. "Sige."

At sabay kaming pumihit sa direksyon nang mas maluwang na parte ng beach.

"So, babalik ka na ba sa Manila bukas?" tanong ko.

"Yes," sagot niya.

"Sabi ni Inay, magdedemanda raw kami against Shiela. Alam na ba ng mommy mo?"

"U-huh. She also wanted that, remember?"

"Hindi ba awkward dahil Ex'd mo s'ya?"

Pumihit ang ulo niya sa akin. "Elise, I really am beginning to hate that term."

"Okaaay. I had to try."

"You always have to," reklamo niya. At hindi ko napigilang mapatawa.

Inangat ko ang chocolate bar at sinimulang buksan iyon, pero dahil awkward na hawak ko pa rin ang kahon ng single rose ay kinuha niya ang bar at tinalupan. Kumagat ako noong ibinalik na niya sa kamay ko ang bar. Saka ako nakangiting ngumuya.

"Hmmm. Thank you. Where'd you get this?"

"Why do you wanna know? Just enjoy it."

"Spoilsport."

"S'an ka naman nakakita nang binigyan ng regalo tapos inaalam pa kung saan kinuha? Baka mamaya, itanong mo na rin kung magkano?"

Tumatawa na naman ako. But I was happier that we were both getting back to the normal way we talked outside of work. "Actually, I just realized something." Nilunok ko ang chocolate at bumaling dito. "Ang tagal ko nang hindi kumakagat sa isang honest-to-goodness bar ng chocolate." I brought the bar near to his face. "You want?"

Sandali lang siyang nag-hesitate, pagkatapos ay bumuka ang bibig.

Pero binawi ko ang bar. "Sandali. Putulan kita nang konti." Medyo natitilihan pero pilit na tinatago iyon, I tried to cut the other corner that was exposed. Pero maliit lang ang naputol. "Ayy."

"Let me have it," sabi niya.

Kaya sinubo ko sa bibig niya ang maliit na pirasong iyon. Nahagip ng bibig niya ang hintuturo ko pero sa halip na umiwas, lalo lang niya iyong sinubo at marahang kinagat. Wala rin. Nagba-buzz na naman ang katawan ko sa kuryente at sobrang kilig. "Gian naman..."

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon