D2: Elise

184 7 0
                                    

MY TWO WEEKS LEAVE was almost over. Bumalik ako sa Manila noong Friday bago ang last weekend ko sa bakasyon. Karamihan sa mga gamit ko ay naka-boxed pa noong dumating ako kaya iyon muna ang inaasikaso ko. Hindi na kasi ako sa apartment umuwi kundi sa isang condo within BGC.

Lumipat kami ni Alia sa isa sa malalaking mga units sa pinaka-secure na towers ng mga Verrazzano. Nang nakarating sa Munich ang ginawa ni Shiela Lopez, ang nangyari sa party ng mga Schultzes at ang tungkol sa aming pet dog, ang unang naisip nang lahat ay ang aking security. So itong paglipat sa condo na ito at ang guard sa gate sa aming residence sa probinsya ang mga nagbago. Aside from that, my vacation was uneventful.

Inubos ko ang oras ko sa pagbabasa, pagpapagaling, at pang-aalo kay Anna. Pero nahila lang mula sa malalim na depresyon ang kapatid ko noong inaalagaan na rin nito ang mga puppies. Noong sinabi kong gusto kong dalhin sa Manila ang isa sa mga puppies, Anna didn't want to give them up. Not right away, at least.

"Please, ate. I want to care for all of them. I still feel like Tootsie died that night because she prevented someone from harming us. Can I please have them for a little longer? Magiging busy ka naman kasi may new responsibilities ka na pagbalik mo d'on, 'di ba? Tapos magliligpit pa kayo ng gamit at maglilipat sa bagong unit. Kawawa naman ang puppy, maiiwan sa bahay nang matagal. Dito muna sila lahat. Pleaaaase?"

How could I refuse? Kahit alam kong attached na si Anna sa mga tuta at mas malamang na hindi ko na makuha si Arthur, iyong male na balak ko sanang alagaan.

Sumama sina Inay Rose at Tatay Jess sa pagluwas ko para ayusin ang huling arrangements sa paglipat. The apartment would be rented out and Jason would be living with me and Alia after that. Oma Beatrice had wanted an additional bodyguard for me. Ayoko noong una, pero noong sinabi nitong pwede namang parang shadow guard, someone na hindi mapapansin ng ibang kasama ko kapag lumalabas ako, pumayag na ako. Hindi pa rin maalis sa mga itong maghinala kay Shiela Lopez kahit wala pang ebidensyang nagtuturo na may kinalaman ito sa nangyari sa Puerto Galera kaya sinigurong secure ako pagbalik ko sa Manila, saan man ako pumunta rito.

So far, iyon ang pinaka-weird. Shadow guard?

Welcome to the world of the elites.

Minsan, iyong nangyaring iyon sa akin bago ako magbakasyon ay parang panaginip lang. Kaso nakikita ko pa rin ang ibang mga pasang hindi pa tuluyang nawawala at peklat ng mga kalmot na naghilom na sa balat ko. Nakakapa ko pa rin iyong maliit na parteng nakalbo sa anit ko dahil sa sugat na tinamo ko sa palo ng bote. Ramdam ko pa ang bagong peklat sa anit ko kahit wala na ang tahi roon.

At ang gabing iyon sa beach na magkasama kami ni Gian bago nadiskubre si Tootsie... iyong anino na nai-imagine ko sa malapit habang... I shivered. Nagdadala pa rin iyon ng pakiramdam ng pagkarimarim. It was what made me quiet about the shadow guard. Hindi bale nang aninong nagbabantay at kakampi kaysa iyong isang masamang possibility.

Kinikilabutan pa rin ako. I didn't know why I believed Tootsie's murderer was at the beach that night, too. Wala akong ebidensya. Pero ang lakas ng kutob kong naroon ito at nanonood, violating my safe space in the worst possible way.

At galit ako. It destroyed the good feelings I had about the memory. Pero sana hindi permanente. 

I just didn't know how long it would take before I would ever really feel completely safe.


"ARE WE in like, a shopping marathon today? O therapy ba ito?" tanong ni Alia habang binibilang ang mga shopping bags na nakahilera sa baggage counter kung saan namin iyon inilagak. Sumunod siya sa amin ni Jason sa mall pagkagaling sa trabaho at napanganga na lang nang makita na kami.

Kinuha ko kay Jason ang iba pang mga bags at dinagdag iyon sa counter, saka ako ngumiti nang matamis sa taong naka-assign sa likod. "Thank you."

Nagulat na ngumiti pabalik ang nakaunipormeng male staff ng department store. "Welcome po, Ma'am!"

Tumango ako, saka pumihit at naglakad. Pinagitnaan ako nang magpinsan.

"Oy. Hindi ba tayo kakain muna?" reklamo ni Jason. "Gutom na ako."

"Sige," sagot ko, saka ako napanganga nang mapatingin ako sa aking wristwatch. Four na hours kami sa department store?! Napahawak ako sa braso niya. "Sorry, cousin. Saan mo gustong kumain?"

"Sa pinakamalapit na restaurant," aniya, relieved.

"Saan tayo pagkatapos?" tanong ni Alia, curious ang tinig, sa kabila kong tabi.

"Sa salon."

Naalarma siya agad. "Oy. I understand you've been through something really painful," aniya, na tungkol kay Brandon ang tinutukoy. "Pero huwag kang lalapit sa salon for a whole month after a break up. That is always bad news."

"Trim lang," sabi ko, kinukunutan siya ng noo. Bakit ko papagupitan nang maikli ang buhok ko? Gian would kill me.

My boyfriend would kill me.

Magkikita na kami bukas sa office.

"Tayo nga sa salon," sabi ko sa mas mariing tinig.

"Kakain muna tayo, 'di ba?" angal ni Jason matapos sikuhin ni Alia.

Na-guilty ako, pero sandali lang. I really wanted to sit on that chair and change something in me. Of course, it would be something solid, panakip sa mga damdaming hindi ko maiwaglit at mga pangyayaring naganap na wala na akong magagawa pa.

The hair was what it would be. There was something about the hair. And Jason didn't need me to be there to eat. Hindi ko naman siya susubuan, 'di ba?

"Mauna na kayo sa resto. You order. Susunod na lang ako," sabi ko habang nagbabago ng direksyon.

"Oh no," ani Alia. "I better go with her."

"Pero gutom na ako!" reklamo ni Jason.

"You eat then sundan mo kami. Check mo na lang kami sa GPS. Hindi ako aalis sa tabi n'ya, I swear."

Nagbuntunghininga si Jason, saka sumunod sa amin. "Sasamahan ko kayo hanggang d'on, then I'll eat sa malapit."

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon