C1: Elise

272 15 1
                                    

"I CAN SEE clearly now the rain has gone... I accept all the things that I cannot change... Gone are the dark clouds, the dawn has come... It's gonna be a bright, bright sunshiny day..."

Nakapikit ako habang nakikinig sa paos na singing voice ni Grace VanderWaal sa aking earphones. Naririnig ko ang nakakakalmang tunog nang paghampas ng mga alon sa buhanginan. Nakahiga ako sa mga unan sa recliner sa backyard ng beach house, nararamdaman ang maaliwalas na tama ng hangin sa aking mukha, at naaamoy doon ang alat mula sa dagat.

I was home.

And I was already feeling it healing me. Sa Manila, feeling safe ako dahil nasa ilalim ako nang pangangalaga ng mga Verrazano at dahil protector ko si Gian. Pero iba talaga kapag nasa sarili kang tahanan at ramdam ang pagmamahal nang sarili mong pamilya.

I wasn't talking about The Fritzelise. I was in a more private part of Puerto Galera, sa beach house na renovated into a bigger, residential house kung saan ako lumaki. Ito ang property na unang nabili ng aking mga magulang bago nagbalik sa Germany si Itay Fritz. Napauwi ako nang hindi inaasahan dahil sa nangyari kahapon. At napabuntunghininga ako dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko sa aking naaalala.

So, iyon nga. Nahuli kami nang mismong Mommy ni Gian habang naghahalikan. Pagkatapos, hinimatay ako kasi na-high blood daw ako, apparently. It was just a three-minute spell, na sana nagtagal pa dahil nang magbalik ang malay ko ay hiyang hiya ako.

Second time iyon na nawalan ako ng malay sa mga bisig ni Gian na hindi ako nakadamit nang disente na alam ng Mommy niya. Mabuti na lang hindi nito iniisip na sine-seduce ko ang anak nito!

Before I realized it, I was being carted off to the hospital. Again. But according to the doctor, my wound in the head was well and my blood pressure had gone back to normal. Stressed daw ako. Pretty understandable pagkatapos ng emotional zarzuela na nangyari sa akin the past few days.

Okay na sana.

Pero binanggit nito ang trace ng alcohol sa aking bloodwork nang naninisi ang tinig. Ay, kung pwedeng mamalo ang tingin, ang dami na sigurong lapat ni Gian sa tinging ipinukol ng ina niya sa kanya pagkarinig nito sa sinabi ni Doc.

But that's not the worse that happened. 

Ang sunod na ginawa ni Madam Soniah ay tinawagan si Rosamia Soler. Nag-usap ang dalawang reyna ng dalawang houses at napagkasunduang I should stay with my nanay. 

Kaya ako narito sa Puerto Galera.

Palutang-lutang sa laot sa kasalukuyan ang yate na nagdala sa amin dito. Gian was swimming out there with the men – Jason, who came with them here, and Itay Jess. Gian didn't leave with the yacht after we disembarked yesterday. He stood there like a frozen statue on my mother's meltdown when she finally saw me and the extent of my injuries. He was flinching, but not running away, every single time my mother looked in his direction.

Let's just say that I respected him better today than I did the day before.

I was wearing a bustier and a high waist bottom as I reclined there. Naka-sunglasses ako at pinanonood ang pag-dive ng mga lalaki sa tubig. Minsan naman ay pumipikit ako para ma-enjoy ang beach in all the glory of the morning sun. I grew up on like millions of mornings like this. It never failed to make my worries fade away...

I really, really missed my beach.

Pero alam kong hindi ako magtatagal doon mag-isa kaya hindi na ako nasurpresa nang marinig ko ang ingay mula sa direksyon ng bahay – ang mga boses ng Inay ko at ni Anna. Kumakahol si Tootsie Roll, our pet dog. The Labrador usually stayed in The Fritzelise kaso buntis ito ngayon kaya narito para mas maalagaan ni Aling Celia, ang kasambahay namin. Malapit na kasi siyang manganak.

Secret Sins & White Lies: Book One of the Sweet Rage SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon